Chapter 6

537 16 1
                                    

Chapter 6

2 months passed

 

Blake’s P.O.V

It’s been two months pero wala parin akong balita tungkol kay Plaid.

Is it time to give up?

Kailangan ko na nga bang tigilan ang paghahanap sa kanya?

“Sir? Nandito na po si Mr. Chen. Pinapunta ko na po sila sa conference room.”

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang nagsalita ang secretary ko.

“Sige. Salamat.”

Agad na din akong tumayo para pumunta sa conference room

Nakalimutan kong may meeting pa pala ako ngayon.

Plaid…. Isang gabi lang kitang nakasama… pero bakit nagugulo mo parin ang sistema ko?

 

 

“Good  afternoon Mr. Evans.” Bati ni Mr. Chen

“Good afternoon.”

Pinag-usapan lang namin ang plano kong pag-iinvest sa company nila.

Wala naman akong nakitang hindi maganda sa iprinesent nila kaya sa tingin ko ayos lang na mag-invest ako sa kanila.

Buti nalang sa pansamantalang nawaglit sa isip ko si Plaid dahil sa meeting na to.

“So what do you think Mr. Evans, Magi-invest ka ba samin?” –Mr. Chen

“I like your presentation. And I think it won’t be a bad idea to invest in your company.”

“So is it a yes?” masiglang tanong niya.

“Yes.”

“Thank you Mr. Evans. You won’t regret this.”

“I hope so.”

Naka-alis na si Mr. Chen sa conference room pero nandito parin ako.

Masyadong maraming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon.

 Hayyyyy…”

 napabuntong hininga nalang ako.

Azhanthey’s P.O.V

 

“Ma..!!!! ano ba yang niluluto mo bat ang baho?” nakasimangot na tanong ko kay mama.

“Ha? Ano bang pinagsasabi mo little sis? Ang bango kaya ng niluluto ni mama. Tsaka diba paborito mo ang tuna carbonara?” nagtatakang tanong sakin ni kuya.

“Tuna Carbonara? E bakit ang baho? Tsk.” Seriously?! Ang baho kaya! Feeling ko nga babaliktad ang sikmura ko dahil sa amoy.

“Alam mo baby sis. Kung hindi ko lang alam na bokya yang lovelife mo. Iisipin ko na buntis ka. Ahahaha”

Buntis? Hindi kaya…..

“Oh. Ano ba yang pinag-uusapan nyong magkapatid jan ha?”  Tanong ni mama na galing sa kitchen.

Wala naman ma. Sabi lang naman ni Zhan ang baho daw ng niluluto mo ahahahaha.”  

At talagang nagawa pang magsumbong ni kuya ha? Tsk.

The Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon