Chapter 10

546 14 3
                                    

Chapter 10

 

Zhanthey’s P.O.V

 

“Take care baby ok? Call me agad pagdating nyo doon” sabi ko sa anak ko.

Ngayong araw ang flight nila ni Dave papunta ng Pilipinas.

Baka sa Sunday pa ako makakasunod sa kanila.

Marami rin kasi akong maiiwang trabaho kaya pinipilit kong matapos ang lahat ng kaya kong tapusin hanggang bukas.

“Yes po mommy.” Sagot ni Quil. “Mommy sure kang susunod ka sa amin ni Tito Dave ha?” naka-pout na tanong sa akin ng baby ko.

“Of course. Alam mo namang ayaw kong nalalayo ka sakin diba? Pinasama lang kita kay Tito Dave para mas makapagpahinga ka para pagdating ko doon itu-tour ka namin. Pupuntahan natin lahat ng gusto mong puntahan.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

“Promise?”

“Promise.”

“Pinky promise?” sabi nya sabay lapit sakin ng pinky nya.

aww… ang cute talaga ng anak ko. Hahahaha

“Pinky promise.”

Maya-maya pa ay dumating na si Dave para sunduin kami ng anak ko.

Ihahatid ko kasi sila sa airport.

Habang nasa kalsada kami ay kwento ng kwento ang anak ko.

Matalino masyado ang anak ko para sa age nya.

“O hug mo na si mommy.” Niyakap ako ng mahigpit ng anak ko tsaka nya ako hinalikan.

Niyakap ko din sya ng mahigpit.

“Ehem. Hindi na ba kayo magkikita? Hello~ dalawang araw lang po kaya ang pagitan ng flight natin. Tsk.” Napatingin kami kay Dave.

Nilapitan ko sya at

PAAAAAAAAKKKK!

Binatukan ko nga. Panira ng moment eh.

“Awww. Sheez! What was that for?” tanong nya sakin.

“For ruining our moment.” Nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya.

“Sorry ok? Baka mahuli kami sa  flight eh.” Dahilan nya.

“Whatever~ Alagaan mo ang anak ko. Wag na wag mong padadapuan ng lamok o hahayaang masugatan yan. Kung hindi …” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Dave.

“Kung hindi hindi na ako sisikatan ng araw. Oo na. alam ko na yan. Psshhh.”

“Mabuti na ang malinaw. Nga pala, yung chocolates nya nilagay ko sa back pack nya. Pakainin mo siya habang nasa byahe.”

Hindi kasi pwedeng mag-travel ang anak ko na walang sweets sa bag. Nasusuka sya tsaka mabilis din syang mainip. Kaya sa pagkain nya nalang itinutuon ang atensyon nya.

Ilang sandali pa at tinawag na ang flight nila.

“Take care baby. I love you!!” pahabol ko sa anak ko.

The Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon