Chapter 7

500 17 0
                                    

Chapter 7

Azhanthey’s P.O.V

Nakatulala lang ako sa kawalan.

Ilang araw na rin mula nang makalabas ako ng hospital at malaman kong buntis ako. Inaamin ko, naguguluhan ako ngayon. Lalo na at malamig ang pakikitungo sakin nina mama at papa. Si kuya lang ang madalas na makasama ko ngayon.

                Wala naman sa plano ko na ipalaglag ang bata. Isipin ko palang ang bagay na iyon ay kinikilabutan na ako.

Naabala ang pag-iisip ko nang kumatok ang isa sa mga maid.

“Young lady, may naghahanap po sa inyo sa sala. Dave daw po.”

Dave? Ano ginagawa nya dito?

“okay. Paki sabi nalang na bababa na din ako.”

Tumayo na din ako at nag-ayos.

Pagbaba ko ay nakitako si Dave na nakatayo at mukhang busy sa pagtingin sa mga picture frames na naka display.

“Hey..” pukaw ko sa atensyon nya.

“Hi. How are you? Nabalitaan ko na sinugod ka daw sa hospital.” Nag-aalalang tanong nya.

“Yeah. But I’m okay now.” Sabi ko nalang.

“You sure?” nagdududang tanong na.

Tumango nalang ako saka ngumiti.

“I know hindi ka okay. Zhan, kahit na hindi pa tayo masyadong matagal magkakilala ay alam ko na ang ugali mo. Now tell me, ano problema mo.” Nakaka-unawang sabi nya sakin.

Ganun na ba ako ka-transparent ?

“Wala na ba talaga akong maitatago sayo?”

Wala na din naman akong magagawa kung hindi ang magtapat sa kanya.

Siguro nga kailangan ko ng makakausap ngayon.

Dinala ko si Dave sa may garden.

Baka kasi may makarinig sa pag-uusapan namin pag sa loob kami nag-usap.

“Dave.. please, kung ano man ang malalaman mo, wag mo sana akong husgahan agad.” Paninimula ko.

“I won’t.”

“I’m pregnant.”

Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko.

“Si-sino ang ama ng  bata?”

“Honestly, I don’t really know him. We met in a bar. I was broken-hearted back then. Nalaman ko kasi na niloloko lang pala ako ng boyfriend ko that time. So I went to a bar. Got myself drunk. Then he approached me. We talked until something happened.”

“Hindi na kayo nagkaroon ng communication after that?”

“Once. Bago kami umalis ng Pinas. Naiwan ko sa condo nya ang wallet ko. Then he called me.”

“May plano ka bang sabihin sa kanya?”

“E-ewan ko. Hindi ko alam. Magulo pa utak ko ngayon.”

“May karapatan parin sya. You know…”

 Alam kong may karapatan sya. Pero hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya.

The Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon