CHAPTER 4

11 1 0
                                    

Sheinaya's POV

Nagising ako dahil sa katok. Sigurado akong si Kerah lamang iyon kaya hinayaan ko na lang. Kakatamad pang bumangon eh. Matutulog na sana ako ulit nang mas lumakas pa ang katok at balak na yatang sirain ang pinto ko kaya no choice kundi pagbuksan iyon.

"Sandali lang naman Kerah. Huwag mo namang sirain ang pinto ko. Gosh!" pasigaw na sigaw ko dito.

Agad agad akong lumapit sa pinto at pinagbuksan ang babaeng iyon.

"Ano ba iyon Kerah?" Pambungad na tanong ko sa kaniya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

"Wala ka bang balak pumasok? Male-late kana, 7:45 na nang umaga oh"

Pagtingin ko sa kaniyang suot ay nakauniform na nga siya. Tiningnan ko naman agad yung orasan na nakasabit sa dingding dito sa kwarto ko para masigurado ang oras. Nanlaki naman agad ang aking mata nang makitang 7:45 na nga ng umaga. O to the M to the G! Male-late na ako!

Sinarado ko kaagad ang pinto at dali daling tumakbo papuntang CR para maligo. Nasa CR na rin naman na ang towel ko kaya no problem na.

Nagbihis kaagad ako pagkatapos kong maligo. Mabilisang pagligo nalang ang ginawa ko kasi male-late na talaga ako sa klase. Myghadddd!!!!

Pagkatapos kung makapag-ayos ay tumakbo na ako palabas ng kwarto at nagpaalam na kay Kerah, hindi ko na siya nilingon. Pagkalabas ko ng room namin ni Kerah ay tumakbo agad ako ng mabilis palabas ng building. Nang makalabas ako ay laking gulat ko nang makita na madilim pa ang paligid at hindi pa sumisikat ang araw. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone para makasigurado at nakita kong alas kwarto palang ng umaga. Gosh! Ang aga pa masyado. Yung babaeng iyon pinagtripan na naman ako huhuhu.

Makapunta na nga lang sa classroom at doon nalang ipagpatuloy ang naudlot kong tulog.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas at sunod-sunod na katok. Naglakad naman ako agad palapit sa pinto at pinagbuksan ang kung sino man iyon. I bet si Kerah iyon.

"Ano ba iyon Kerah?" agad na tanong ko sa kaniya pagkabukas ko ng pinto. Teka, ganito iyong nasa panaginip ko ah? Ano ito déja vu?

"Wala ka bang balak pumasok? Male-late kana, 7:45 na nang umaga oh"

"Papasok ako noh. Cge mag-aayos na ako. See yah later Kerah" sabi ko at agad na sinarado ang pinto.

Iyong babaeng yun ay si Xiakerah Nakahara. Kerah ang tawag naming mga kaibigan niya sakaniya. Maganda iyong babaeng yun tulad ko hehe. Maputi, mahaba ang kulay lila niyang buhok, matangos ang ilong, mapula ang manipis niyang labi, matangkad gaya ko, at moody ang babaeng iyon. Minsan seryoso at minsan naman ay mapang-trip. Ngayon mukhang nasa mood si Kerah na mang-trip at ako ang naisipan niyang pagtripan. Akala niya siguro na maiisahan niya ako, huh! Kaso hindi eh HAHAHA!

Dahil hindi narin naman na ako makatulog eh naligo at nag-ayos na lamang ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kung mag-ayos ng aking sarili.

Papunta ako sa kusina para kumain nang mapansin kong wala na si Kerah sa buong kwarto. Iyong babaeng yun iniwan ako hmmp.

Pinagpagtuloy ko na lamang ang pagpunta sa kusina para makakain na ako dahil kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako sa room namin ni Kerah at naglakad na palabas ng building na ito.

Nang makalabas ako sa building namin ay naglakad naman ako papunta na sa classroom namin. Napansin ko na wala na masyadong tao dito sa labas. Bakit kaya ganun? Anong oras na ba? Kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng bag ko para tingnan ang oras at laking gulat ko nang makitang 8:20 na pala ng umaga. Ohmygosh! I'm super late!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa building namin at mas lalo pang nakakainis ay nasa ikaapat na palapag ang aming classroom. Naku naman!

Hingal na hingal ako nang makarating sa classroom namin. Ikaw ba naman ang tumakbo mula unang palapag hanggang ika-apat na palapag kung hindi ka hingalin. Buti nalang wala ang guro namin sa subject na ito kaya laking pasasalamat ko talaga.

Naupo na ako sa aking silya at agad na nagpangalumbaba sa desk ko. Napagod ako doon ah!

"Ayan kasi, ginising na ni Kerah at sinabihan kung anong oras na ay hindi pa yata nag-asikaso agad. Buti nalang at wala si Prof Haru. "

Nag-angat naman ako ng aking ulo nang marinig ko ang sinabi ni Hyurika. Halata naman kasing nagpaparinig iyong babaeng yun eh.

"Paano kasi napanaginipan ko na pinagtripan niya daw ako. Ginising niya daw ako nung alas kwatro ng umaga at sinabing male-late na ako kasi 7:45 na ng umaga pero alas kwatro palang pala. Kaya nung ginising niya ako ay hindi ako naniwala." paliwanag ko sakaniya.

"Okay." tipid na sagot niya. Sa haba ng paliwanag ko ay yun lang ang nasabi niya? Okay? What the! Iyong babaeng yun talaga.

Nagpangalumbaba na lamang ulit ako sa aking desk dahil wala rin naman akong makakausap. Makatulog na nga lang.

***

Hyurika's POV

"Ayan kasi, ginising na ni Kerah at sinabihan kung anong oras na ay hindi pa yata nag-asikaso agad. Buti nalang at wala si Prof Haru. " sabi ko sa kaniya.

"Paano kasi napanaginipan ko na pinagtripan niya daw ako. Ginising niya daw ako nung alas kwatro ng umaga at sinabing male-late na ako kasi 7:45 na ng umaga pero alas kwatro palang pala. Kaya nung ginising niya ako ay hindi ako naniwala."

"Okay." tipid na sabi ko sakaniya.

Nakita kong nagpangalumbaba na lamang siya ulit sa desk niya, mukhang matutulog siguro siya.

Napakaantokin talaga ng babaeng iyan. Ano kaya pinaggagagawa niyan at laging inaantok? Tsk tsk. Kibit balikat na lamang akong tumingin sa harapan.

Ang babaeng antokin nga pala na iyon ay si Sheinaya Kaito. Eina ang tawag namin sa kaniya, lahat naman ganun ang tawag sa kaniya. Maputi, mahaba ang kaniyang pilik mata, matangos ang ilong at mapula ang manipis nitong labi, in short maganda siya. Mas matangkad sa akin si Eina.

Mukhang wala na rin namang klase, gisingin ko na lamang itong babaeng ito para isama papuntang cafeteria.

"Eina, woy gising na. " tinapik tapik ko pa ang pisngi niya para magising. Nagising naman siya agad. Buti nalang hindi mahirap gisingin ang babaeng ito.

"Bakit?" Agad na tanong niya pagkagising at inangat ang kaniyang ulo.

"Punta tayo ng cafeteria kasi mukhang wala na rin namang klase. Text mo na rin sina Miyu at Kerah para sabay sabay tayo ngayon." sabi ko sakaniya.

"Ahh cge, nagugutom na rin kasi ako hehe. Let's go?" tanong niya at agad na tumayo.

Hindi ko na siya sinagot pa at naglakad na lamang palabas ng classroom namin para magtungo na sa cafeteria.

***

A/N: Si Sheinaya nga pala ang nasa litrato.

The Golden Dawn: Hidden CeremonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon