Aishiero's POV
Papunta na ako ngayon sa Mystikó Académie. Nagsimula na ang klase nung nakaraang linggo pa pero ngayon lang ako papasok. Tinamad ako eh kaya nanatili lang muna ako sa palasyo namin.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa campus ay nakita ko agad ang Fontaine Magique na talaga namang nakaka agaw ng pansin. Ang fontaine Magique ay isang fountain at matagal na panahon nang nandiyan iyan. May barrier ang fountain na yan kaya hanggang ngayon eh nandiyan pa rin iyan. Nakakamangha ang kagandahan nito at napakaaliwalas sa paningin.
Napag alaman ko rin na ang Fontaine Magique na iyan ay hindi isang ordinaryong fountain lamang. Sa fountain na iyan ay puwede kang mag wish ngunit piling tao lamang ang pinapayagan na magkaroon ng kahilingan, hindi lahat ng kahilingan ay natutupad dahil sinserong kahilingan lamang ang tinutupad nito. Hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na makahiling dito dahil ang mga taong nakakapasok lamang sa barrier ang nakakapag wish dito.
Lalapit na sana ako sa fountain nang bigla akong may maapakan na isang bagay na naging dahilan nang pagkadulas ko. Tiningnan ko kung ano ang bagay na iyon na natapakan ko at kung minamalas ka nga naman ay balat pala iyon ng saging.
"Tss. Bakit kaya maraming lampa ang pakalat-kalat dito sa campus?"
Naiinis na sinundan ko nang tingin kung saan nagmumula ang tinig na iyon at doon ay nakita ko ang isang babaeng may mahabang kulay lila na buhok at kulay lila ang mga mata nito. Mayroon siyang bangs, Maputi siya, matangos ang ilong, mahaba ang kaniyang pilik mata at mapula ang manipis nitong labi. Hindi ko alam kung natural bang mapula iyon o hindi. Sakto lang ang katawan niya, hindi payat at hindi rin naman mataba. Para sa akin ay iyon ang tunay na sexy. Matangkad siya pero sa tingin ko ay mas matangkad ako sa kaniya. Maganda nga, nakakainis naman kung magsalita. Paniguradong masama ugali nito. Major turn off.
"SINONG LAMPA?!" Inis na tanong ko sa kaniya.
"Bakit, natamaan ka ba?" nakangising sabi nito.
"Tss."
Tumayo na lamang ako kesa sagutin ang babaeng iyon. Nakakahiya na rin kasi marami na ang nanonood samin. Nag-aalis ako ng dumi sa aking pantalon mula sa pagkakadulas nang biglang magsalita ulit ang babaeng nasa harapan ko.
"Gwapo na sana, lampa nga lang." sabi niya at naglakad na palayo.
Inis na sinundan ko siya ng tingin at nang mawala na siya sa aking paningin ay nagpasya na rin akong umalis. Papasok na lamang ako sa aking klase. Bwesit na araw ito! Sinabihan pa ako ng lampa akala mo kung sinong maganda tss. Maganda nga pero wala namang hinaharap, plat naman. Natawa na lamang ako sa aking naisip.
***
Kerah's POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa building kung nasaan ang aming classroom nang may makita akong papasok na lalaki sa campus.
Maputi, Matangos ang ilong, kulay asul ang kaniyang buhok at matangkad siya. Hindi ko alam kung gwapo kasi nakatagilid siya sa akin. Naku naman ano ba itong pinagsasabi ko tsk. Makapunta na nga lang sa klase.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad. Madadaanan ko siya. Tumigil na muna ako malapit sa pwesto kung saan siya nakatayo at nakita ko siyang nakatingin sa kung saan. Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin at nakita ko ang Fontaine Magique. Ito ay hindi pangkaraniwang fountain dahil pwede kang humiling dito. Ngunit magagawa mo lamang na makahiling sa fontaine magique kung makakapasok ka sa barrier nito at tutuparin lamang nito ang iyong kahilingan kung ito ay sinsero.
Napansin ko na naglakad palapit sa Fontaine Magique ang lalaki nang bigla na lamang siyang nadulas. Tsk lampa.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Siguro ay hindi niya pa napapansin ang presensiya ko kaya hindi niya alam na may tao sa harap niya."Tsk. Bakit kaya maraming lampa ang pakalat-kalat dito sa campus?" parinig ko sa kaniya.
Unti-unti niyang inangat ang kaniyang ulo at nang makita ako ay agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya. Tsk pikon. Infairness ang ganda ng mga mata niya, kulay asul. Maganda rin ang pangangatawan, ewan ko nga lang kung may abs o wala. Lol
"SINONG LAMPA?!"
Makikita mo ang inis sa kaniyang mukha at dahil nasa mood ako ngayon na mangtrip ay pagtritripan ko na lang muna siya HAHAHA.
"Bakit, natamaan ka ba?" sarkastikong tanong ko sakaniya.
"Tss."
Iyon lamang ang naging tugon niya sa tanong ko. Unti-unting siyang tumayo at nagpagpag ng pantalon niya. Walang kwenta. Makapunta na nga lang sa classroom pero bago iyon ay may sasabihin muna ako.
"Gwapo na sana, lampa nga lang." Sabi ko at naglakad na paalis. May klase pa ako at ayaw kong malate.
***
A/N: Si Kerah nga pala ang nasa picture.