"CAPTAIN, saan nga ang venue natin bukas?" tanong ko habang nag-aayos ako ng gamit, last day na kasi ang practice namin for the Semis. 1st game kami at makakatapat namin ang Top 2. Hanggang third game lang, dapat maka 2 wins kami for the championship.
Hindi niya ako sinagot. Tinignan ko siya ng mabuti. Malalim ang yata ang iniisip niya? Kanina pa siya ganyan nang magsimula kaming magstretching.
"Cap" sabi ko at wala pa rin.
"Oh Essa, napano yan?" tanong sakin ni Ariane
"Ewan ko. Kanina ko pa tinatawag, pero wala eh"
"Sampalin mo"
Lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ariane at tumawa siya.
"Joke lang Essa, ito naman. Mukhang seryoso ka lagi eh. Eh kung 'di mo talaga makausap, batukan mo na lang"
Lumaki ulit ang mga mata ko. "Luh! Ayoko noh, baka ako pa ang mahampas ni Cap, ikaw na lang kaya total ikaw din naman nagsuggest" sabi ko
Siya rin, lumaki rin ang mga mata niya.
"Ayoko nga. Baka 'di ako makalaro sa semis noh, si Cap pa. Moody yan eh. Baka nagmomove on pa?"
Napakunot naman ang noo ko.
"Ganyan ba magmove on? Di makausap? Natutulala? At 'di ka naririnig?" tanong ko. Eh wala tayo nyan eh.
Wala ba? biglang tanong ng aking isip. Mabilis kong nilingo-lingo ang ulo ko at mahinang sinampal ang kanang pisngi ko. Biglang pumasok sa mind ko si Trail at napasimangot ako. Hmmp! Di kami noh.
"Essa!" sigaw ni Ariane sakin at nagulat naman ako.
"Luh! Grabe naman. Makasigaw parang ang layo ko ah" sabi ko sa kanya at tumawa lang siya. Buang din eh
"Magsama nga kayo ni Cap, ang lalim ng isip"
"Huh?"
"Kanina pa ako nagsasalita dito, tapos 'di mo ako pinapansin. Seriously, nagmomove on ka rin ba?" takang tanong niya sakin
"Nagmomove on? Kanino?" tanong ko. Alam naman nila na wala akong boyfriend.
Kay Trail.
Luh! Di kaya. Kami ba? Tsaka 'di kami nagbreak dahil wala namang kami. Di ba kunyare lang ýun?
"Bahala nga kayo. Mauna na ako sa sasakyan, baka pati ako mahawa" sabi ni Ariane na tumatawa at umalis.
Sumunod ang mga mata ko kay Ariane at nakita siyang sumakay na ng van. Anong mahawa? Sakit ba? Wala naman akong sakit. Baka si Captain? Nilapitan ko siya at tinapik ang kanyang balikat.
"Cap?"
"Oy Essa, bakit?" tanong niya sakin na nagulat at pilit na ngumiti.
"Problem? Medyo kanina pa kasi kita kinakausap, tapos nandito rin kanina si Ariane, pero andoon na siya sa van"
She sighed.
"Wala naman. May iniisip lang ako"
"Mind telling me? Maybe I can help. You know, we're going to the semis tomorrow and we need to win, right? Baka kasi madistract ka" sabi ko
"I'm sorry Essa ha? Well, Heriah found out that you're graduating this year. Meaning this is your last school year with us and last year playing volleyball too"
Tumahimik ako. Naramdaman kong hinawakan ni Hyacinth ang kamay ko at nangungusap ang kanyang mata.
"I don't want to judge you Essa, you're really a good friend of mine. Bakit 'di mo sinabi? I mean, wala naman kaming right or demand to tell us everything about your life, pero we are friends, right?"
BINABASA MO ANG
I Less Than Three You
HumorPaano kung ang mga nangyayari sa binabasa mo sa libro ay mangyayari sa buhay mo? Ano ang gagawin mo? Gagawa ka ng sariling script? Gagayahin mo na lang ang nasa libro? O di kaya, gagawa ka ng sarili mong storya na ikaw lang ang makakaalam ng ending?