I Less Than - Twenty Two Point One

284 22 2
                                    

Heriah's POV

"Sht" nasabi ko na lang dahil naring ng AU students ang sigaw ni Trish. Binalik ni Trish ang tingin niya samin at 'yung mukha niya ay humihingi ng tulong. Pinandilatan ko siya ng mata at mukhang nagets niya naman.

"Hahahaha! Joke lang! Kayo naman" bawi ni Trish sa sinabi. "Namiss ko lang silang dalawa" at hinarap ang mga students.

"Baka ma-issue 'to ha?" sabi ulit ni Trish pero mukhang hindi naconvince ang mga students ng AU at umalis. Pinuntahan ni Ate Cynth si Trish at hinila papasok sa loob at sinira ang pintuan.

"Trish, why did you shout?! My gosh! Baka pag-usapan yan dito sa campus" frustrated na sabi ni Hyacynth

Napakamot lang sa ulo si Trish.

"Sorry Cap, it's just that I was shocked. I mean, what? Really? How come? Bakit sila ikakasal?" confused na tanong nito.

"Same as you Trish, hindi ko alam na ganoon" bumaling sakin ang tingin ni Ate. "Talk"

"Really ate? Ngayon?"

Sasabihin ko ulit kung paano ako nasaktan?

"Of course!" sabay na sabi nila ni Trish.

"Damn it!" I cursed

"No cursing Heriah" seryosong sabi ni ate.

"Sorry Ate"

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. This past few weeks hindi ko alam kung bakit ako ganito.

"We are waiting Heriah, come on. You can do it" sabi ni Ate

I sighed and tell them what I know.

3rd POV

Papunta na si Heriah sa parking lot ng makita niya si Andrew na nakasakay sa kotse at parang may kinakausap. Nanuod kasi siya ng laro ng AU at nang manalo ang school nila ay umalis kaagad siya. Hindi niya na hinintay ang awarding kasi may pupuntahan siyang meeting. She accepted the offer of his Tito, the father of Hyacynth and Trail, she accepted all the wealth that her parents left for her. Nang mamatay ang magulang niya, Hyacynth's family took care of her when they found out that her mother's family torturing her.

Mabigat ang pinagdaanan niya sa kamay ng pamilya ng ina niya, lalo na sa Tita niyang ambisyosa. Hindi siya pinapakain, doon siya pinatutulog sa bahay ng aso, minsan hindi rin siya pinapaligo. In short, tinuring siyang baboy sa sariling pamamahay niya. Kung makaasta kasi ang pamilya ng Mommy niya ay parang sa kanila ang bahay. Akala niya sincere ang mga ito na sila ang mag-aalaga sa kanya pero nagkamali siya. Wala siyang pera noon dahil underage pa siya at hindi siya pinapayagan na umalis ng bahay. Kapag bumibisita sina Trail sa bahay niya, doon lang siya nakakain, nakakaligo, pero bawal siyang magsumbong dahil kapag ginawa niya, papatayin raw siya ng Tita niya.

Nang subukan niyang magsumbong, nakatikim siya ng latigo at bugbog. Halos lahat ng katawan niya puro pasa. Buti na lang noon, bumalik si Trail dahil naiwan ang susi ng kotse sa sofa. To make the story short, kinasohan ang pamilya ng mother's side niya. Sa unang gabi niya sa bahay nina Trail, hindi siya makatulog dahil lagi niyang nakikita ang mukha ng Tiya at sumisigaw siya kaya nagdecision ang Daddy ni Trail na ipaconsult siya sa isang pyschiatrist. Hindi siya umangal dahil alam niyang kailangan niya 'yun at pinagpapasalamat niya na nandyan sina Trail at Hyacynth para palakasin ang loob niya. Unti-unti naman siyang nakarecover sa trauma niya, minsan kapag nakakarinig siyang may sumisigaw, bigla siyang nanginginig dahil nagfaflash back ang lahat ng pinagdaanan niya.

Nang umabot siya sa 18, kinausap siya ng attorney ng parents niya na pwede niya ng galawin ang mana niya pero tinanggihan niya ito. Sinabi niya na lang na sa Daddy na lang muna ni Trail ang bahala, kukunin niya na lang kapag handa na siya. Yan kasi ang rason kung bakit nagpresentar ang pamilya ng mommy niya na mag-alaga sa kanya dahil sa yaman.

I Less Than Three YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon