Epilogue

93 2 0
                                    

Author's Note:

Before anything else, thank you so much to all the people who supported this story specially to all my sibs out there and to DONKISS Fanmily. I know this story was so late to finish because there's no DONKISS anymore, it really affects my writing. It took almost two years before I finish this last chapter and I do hope that you're satisfied for this one.

This is my last story of DONKISS on wattpad and if they are real in real life, I will gladly post a special chapter, but for now, Epilogue will do.

Happy Birthday to Donny Pangilinan, our Daddy, in DonKiss fanmily. We miss you and so proud of you.

****

Maagang natapos ang summer camp ng Alcantara Volleyball Girls dahil mabilis matuto ang mga bata dahil na rin siguro na gustong gusto talaga nila matuto ng volleyball. Nagdecide ang volleyball team na magstay sila sa isang beach resort na malapit lang sa venue kung saan sila nagsummer camp. Agad naman silang nagpaalam sa school nila na hindi sila makakasabay sa pagbalik. Pinayagan naman sila dahil parte na rin sa gatimpala nila dahil naging champion sila sa volleyball team.

Kaya hindi pa nakapag-usap si Trail at Essa. Nang malaman ni Essa na magste-stay sila sa beach resort, agad niyang kinausap  si Hyacynth. Pinuntahan ni Essa si Hyacynth kung saan kasalukuyang nagliligpit ito ng bola na pinaggamitan kanina sa paglaro.

"Cap" tawag niya

Agad naman siyang nilingon ni Hya. Nilagay ni Hya ang bola sa lalagyanan at hinarap siya nito.

"Yes Essa?" nakangiting sabi ng Captain sa kanya

Ngumiti siya ng alanganin dahil kakaiba ang ngiti nito na parang nanunudyo. Simula kasi kanina na lumapit si Trail sa kanya, lagi na siyang tinutukso ng mga co-players niya at siya naman ay laging pumupula ang pisngi.

"Ahm. P-Pwede mo bang sabihan si Trail na magste-stay tayo sa resort? Doon na lang sana kami mag-usap. I want to go to him to ask that pero kasi baka tuksohin lang ako ng mga kasama niya"

Tumawa ng nakakaloko si Hyacynth sa kanya. "Yeeei, nahihiya ka pa rin ba Essa kay Trail?"

"It's not that Cap, kaya lang kasi matagal din kaming di nag-kausap na dalawa kaya medyo awkward and I hurt him, remember?" sabi niya at ngumiti ng kunti.

Hyacynth sighed. "Hay naku Essa, I believe naman na Trail will understand your reason, kahit naman na napaka impulsive ni Trail, mabilis niya maiintindihan yun lalo na mahal ka niya. And for your info, sina Ivan ang naka isip na magstay tayo sa resort, nalaman kasi nila na may malapit dito na resort kaya they decided to stay here after the summer camp and Trail already know about it. Doon na kayo magkikita ni Trail so dont' worry" sabi ni Hyacynth sa kanya at hinawakan ang kamay niya na para bang magiging okay ang lahat.

Ngumiti siya ulit ng alanganin at kinakabahan siya kung ano ang mangyayari mamaya dahil hindi niya talaga alam kung saan siya magsisimula sa paliwanag niya kay Trail.

****

"Oh my God! I miss you beach!" sabi ni Stephanie habang papunta sila sa room nila.

Nakapagreserve na pala sina Hyacynth ng room kaya hindi sila nahirapan mag check-in pa. Maganda ang nakuha nilang room dahil ang view nito ay nasa unahan lang ang dagat, hindi pa nila masyadong ma appreciate ang dagat dahil gabi na sila dumating at may iilan pa na tao ang nagchecheck in at iyong iba ay parang handang handa na pumunta ng beach party. Mukhang sikat na resort ang pinuntahan nila.

"Bon fire kaya tayo later?" tanong naman ni Ariane at tinignan ang relo. "It's 6:44pm pa lang naman, we have time to prepare it, right Cap?" Tanong nito at nilingon pa ang Captain nila

I Less Than Three YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon