May isang prinsesang dinarayo ng mga mangingibig na nagmula pa sa malalayong bayan. Binansagan siyang Dayang Kandarapa dahil madalas niyang ginagaya ang masayang huni ng mga ibong kandarapa sa palayan.
Ulila na siya sa ama. Nakatira sila ng kanyang ina sa palasyo ni Lakan Bunao, ang pinakamakapangyarihang pinuno sa Kaharian ng Tondo na matatagpuan malapit sa Ilog Pasig.
Tuwing hapon, namamasyal si Dayang Kandarapa sa tabing-ilog kasama ng kanyang mga kaibigan at naliligo sila sa sapang ikinukubli ng mga baging, nipa at bakawan. Minsan, habang sila ay naliligo, nagulantang sila sa pagdaan ng isang dayuhan. Nagpulasan ang mga kaibigan ni Dayang Kandarapa at naiwan siya sa gitna ng tubig.
Napatda ang binata sa kagandahang nasa kanyang harapan.
Bagaman hindi makagalaw sa takot ay taas-noong sinita ni Dayang Kandarapa ang lalaki. "Sino ka at ano'ng ginagawa mo rito?"
"Paumanhin, binibini. Ako si Juan de Salcedo at patungo kami ng aking mga kawal kay Lakan Bunao." Magalang siyang yumukod at tumalikod na upang harangan ang mga kawal. Iginiya niya ang mga ito sa kasalungat na direksyon.
Napapangiti ang binata sa sarili habang idinadalangin na muling makita ang dilag.
BINABASA MO ANG
PRINSESA
Historical FictionHango mula sa kasaysayan ng buhay-pag-ibig ni Juan de Salcedo at ni Prinsesa Kandarapa.