Ang Pagsubok

51 0 0
                                    


Nagkaharap silang muli nang gabing iyon mismo.

"Ito ang aking pamangkin, si Dayang Kandarapa," ani Lakan Bunao pagkatapos nilang maghapunan.

"Ikinagagalak kitang makilala, mahal na prinsesa." Alam ni Juan na ang titulong 'Dayang' ay nangangahulugang prinsesa.

Ipinakilala siya ni Kandarapa sa ina nitong si Dayang Salanta. Yumukod si Juan sa ginang at iniabot dito ang abanico na mula pa sa Espanya. Para kay Lakan Bunao ay may dala siyang mamahaling alak. Isang pulang bestida ang handog niya sa prinsesa.

Itinanong niya kay Lakan Bunao kung maaari niyang suyuin si Dayang Kandarapa. Sinabi ng pinuno na papayag ito kung malulutas ni Juan ang problema ng mga mangingisda na halos wala nang mahuli sa Ilog Pasig.

Nang gabing iyon din, inutusan ni Juan ang mga kawal na ibili siya ng bangka, lambat at pangawil. Pinauwi niya ang mga ito pagkatapos at sinabing balikan siya kinaumagahan.

PRINSESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon