Pangako

36 0 0
                                    

Nagkasakit si Kandarapa at namatay makaraan ang tatlong buwan.

Nabalitaan iyon ni Juan de Salcedo na pabalik pa lamang sa Tondo galing sa Vigan. Labis siyang nanlumo at hindi na nakatuloy sa paglalakbay. Kinaumagahan, natagpuan ng isang kawal ang walang-buhay na katawan ni Juan sa tabi ng sapa.

Sa bulsa ng pang-itaas ni Juan, sa tapat ng kanyang dibdib, nakasuksok ang mga tuyong bulaklak ng lotus na bigay ni Dayang Kandarapa noong araw ng kanilang kasal. Sa kanyang kanang kamay naman ay tangan ni Juan ang liham ng pagsinta ni Kandarapa.

Ang wagas na pag-ibig ay tulad ng isang pangakong tapat na iniingatan.

PRINSESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon