Napapagod na siya sa kasasagwan at masakit na ang kanyang likod ay wala pa rin siyang huli. Paulit-ulit niyang inihagis ang lambat. Laking tuwa niya nang may masilo ito: isang dambuhalang isda! Hinila niya ang lambat at isinakay ang isda sa bangka.
"Pakawalan mo ako, pakiusap!"
Namilog ang mga mata ni Juan nang mapagtantong ang isda ang nagsalita. Hindi niya pinansin ang umuusbong na takot. "Pasensya na, kaibigan, ngunit ikaw lamang ang aking huli kaya di kita mapakakawalan."
"Pangako, hindi ko na uubusin ang mga isda sa ilog upang may mahuli ang mga tao."
Napatigil si Juan sa pagsagwan. Tinapik-tapik niya ang mga pisngi para tiyaking hindi siya binabangunot. "Ano'ng garantiya ko na tutupad ka sa pangako?"
"Iluluwa ko ang La Peregrina, ang pinakamahal na perlas sa buong mundo, at tutuparin ko ang tatlo mong kahilingan. Magiging makapangyarihan ka sa tulong ng perlas. Dahil dito ay nakakahinga ako kahit wala sa tubig at nakakapagsalita ng maraming wika."
"Mas mahalagang may makain at mapagkakitaan ang mga tao," tanggi ni Juan.
"Habang nasa iyo ang perlas, makakaasa kang tutupad ako sa aking pangako," giit ng isda. "Para mo nang awa, pakawalan mo ako."
"Pakakawalan kita kung ibibigay mo ang kahilingan ng taong pag-aalayan ko ng perlas at patutunayan mo sa kanya ang tapat kong pagsinta."
"Sige, pumapayag na ako." Iniluwa ng isda ang perlas.
Sa awa, pinakawalan ni Juan ang isda mula sa lambat at ibinalik ito sa tubig.
![](https://img.wattpad.com/cover/182516952-288-k506673.jpg)
BINABASA MO ANG
PRINSESA
Narrativa StoricaHango mula sa kasaysayan ng buhay-pag-ibig ni Juan de Salcedo at ni Prinsesa Kandarapa.