Lucy's POV
"Sige na, pumapayag na ko" agad napangiti si Damon nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Hindi ko tama ba ang desisyon ko o ano, basta ang nasa isip ko lang ay ang malaman kung ano ba talaga ang nangyari noon.
"Okay, simulan na natin ang misyon mo." Agad kong sinamaan ng tingin si Damon sa sinabi niya.
"Oh? Bakit? Pumayag Kana diba?" Naguguluhang sabi niya.
"Oo pumayag ako, pero bago yun uunahin natin ang pakay ko rito."
"Hindi pwede! Hindi ako makakapayag dahil isa kang mandurugas!" Agad niyang sabi matapos ko mag bitaw ng salita.
"Ako pa ang naging madugas satin ah?" Pasigaw na tanong ko sa kanya
"Oo, ikaw naman talaga!" Inirapan ko lang siya dahil ayokong makipag talo pa dahil nasasayang ang oras namin. Hindi kami pwedeng magtagal rito dahil paniguradong hahanapin ako ni ama.
"Fine! Gagawin ko ang misyon ko habang inaalam ang pakay ko." Desididong sabi ko sa kanya. Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at inilabas ang puting bato sa bulsa ng cloak nasuot ko. Inantay kong May lumabas na puting liwanag dito at dalhin uli kami sa isang scenario ngunit nabigo ako dahil walang kakaibang nangyari sa bato.
"Ano bayan! Bakit ayaw gumana?! " Inis sabi ko at kinuskos ang bato sa damit ko, nagbabakasakali na may hiwagang mangyari dito.
"Kung ako sayo ginagawa mo na sana ang misyon mo." Naiinip na sabi ni Damon pero hindi ko siya pinansin.
Ilang minuto pa ako nag antay sa pwedeng mangyari sa bato ngunit wala talaga kaya naman naisipan kong sundin nalang si Damon nang sa ganoon ay hindi masayang ang oras namin.
"Ano bang gagawin ko? sabihin mo sakin!" Inis na tanong ko kay Damon. Natawa lang ito sa akin at nag-isip.
"Ayun! Nakikita mo ba yung lalaking iyon?" Tanong niya sa akin sabay turo sa lalaking tulalang naglalakad sa daan.
"Ano namang gagawin ko dyan?" Tanong ko sa kanya dahil wala naman akong nakikitang special dun sa lalaki.
"Ang hina mo talaga, kailangan mo ng matinding pagsasanay. Hindi mo ba nakikita ang negatibong enerhiya na bumabalot sa kanya?" Tanong sa akin ni Damon.
"Ah kaya siguro siya malungkot!" Nakangiting sabi ko kay Damon na parang nagegets ko ang sinasabi niya.
Napahawak si damot sa sintido niya na para bang nawawalan siya ng pasensiya.
"Mas malalim pa roon! Ang lalaking nyan ay gulong gulo base sa negatibong enerhiya na meron siya, pinoproblema niya kung ano ang gagawin niya dahil baon sa utang ang pamilya niya at wala na silang makain." Pag e-explain ni Damon habang nakatingin sa lalaki na para bang libro ito na binabasa niya. Ang galing lang dahil ako hindi ko nakikita yun sa lalaki.
"Wow Damon! Pano mo nagawa yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tinignan lang ako ni Damon na para bang ako ang pinakatangang nilalang sa mundo.
"Ganun talaga kame, ewan ko lang sayo kung bakit ka ganyan eh kauri ka rin naman namin." Cold na sabi niya sakin. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi ni Damon pero kahit ako, sa sarili ko ay tinatanong kung bakit ba ganito ako. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong gawin ang mga bagay na dapat matagal ko nang ginagawa.
"Lapitan mo yung lalaking iyon. At itulak mo siya sa kapahamakan." Walang emosyon na sabi ni Damon at umupo sa edge ng gusaling kinatatayuan namin.
"Pupunta ako dun?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Aba'y siyempre, maliban nalang kung kasing galing mo na ko para gawin ang misyon mo ng hindi umaalis sa kinatatayuan mo." Masungit na sabi nito sa akin. Pag nasa kaharian kami ang bait bait tapos pag wala kami sa kaharian ubod ng sama.
BINABASA MO ANG
Lucifer's Daughter
Random|| Lucifer's Daughter || "Pano ko gagawin ang isang bagay na alam kong hindi ko kayang gawin?? Anak moko pero hindi ako kasing sama mo. Ayokong maging katulad mo." - Lucy Posible bang mabaliktad ang kapalaran ng isang anak ni Lucifer?