Lucy's POV
Matapos ng eksena namin ni Damon. Dali dali niyang binuksan ang portal na magdadala sa kanya sa mundo namin. Nilingon niya ako saglit bago niya ako tuluyang iwan. Nakita kong may konting pag-aalala sa kanyang mga mata marahil natatakot siyang mapahamak ako at malagot siya kay ama.
Bumalik sa normal ang lahat na parang walang nangyari. Well, kung sa ordinaryong tao siguro wala lang ang nangyayari dahil wala naman silang kakayahang makita ang mga demonyo at anghel. Maliban nalang siguro sa mga taong biniyayaan na magkaroon ng kapangyarihang makita ito.
Naglakad ako upang maging pamilyar man lang ang lugar sa akin. Para kahit papano maglibang narin. Hindi ko alam kung saan at ano ang gagawin ko ngayon. Kung saan ko ba dapat simulan ang gagawin ko.
Habang naglalakad ako may mga ngilan ngilan na tumitingin sa direksiyon ko. Yung iba hindi maipaliwanag ang itchura, confused, natatawa. Halo halong emosiyon, ano bang meron? Lumingon ako sa likuran ko at nagbabakasakali na baka may eksenang nagaganap dun kaso wala naman.
"Miss, aga naman ata ng halloween party mo? Hahaha " sabi ng isang lalaking nakasalubong ko at nakatingin sa direksiyon ko. Matapos niya kong tapunan ng tingin mula ulo hanggang paa.
'Ako ba kausap nito?'
Muli ako lumingon upang tignan kung sino man ang nasa likuran ko ngunit wala akong nakita ni isang tao sa likod ko.
"Huh?! Ako ba kausap mo?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya
"Sino pa ba?" Sabi ng kausap ko tapos ngumisi pa.
"Nakikita moko?!" Tanong ko na may halong pagkalito dahil sa pagkakaalam ko hindi ako nakikita ng mga tao. Kami nila Damon hindi kami nakikita ng mga tao, unless may kakayahan ang isang tao na ito na makakita ng mga tulad namin. Third eye o six sense kung tawagin ng mga tao.
Hindi umimik itong lalaking kausap ko. Kung kanina natatawa siya sa itchura ko ngayon naman ay hindi maipinta ang itchura ng mukha nya. Bakas ang confusion, at pagkatakot sa mukha nya.
'Bakit ano bang sinabi kong mali?'
Ngayon tinitigan ko uli siya at tinanong ng seryoso.
"Nakikita mo ako?" Sabi ko at bahagya ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya. Agad naman siyang nangatog sa ginawa ko.
"Aaaaaahhhh! Multo multooo!!!" Nakapikit na sigaw nya at mabilis na nagtatatakbo.
'Anong problema ng nilalang na yun? Nagtanong lang ako kung ano ano na sinabi. Ganto ba talaga dito sa mundo, ang hirap intindihin ng mga tao. Kung kanina natutuwa ngayon kumaripas ng takbo sa takot tsaka ano daw? Ako? Isang multo?
'HAHAHAHAHA'
Napakahina pala ng mga tao. Mga ganoong bagay kinakatakutan nila? Eh yung mga multo naman nayun mga kaluluwang naiwan lang sa mundo na hindi natapos ang misyon nila dahil sa namatay sila ng maaga. Nakakaawang nilalang.
Tsaka ko lang napagtanto na napukaw ang pansin ng karamihan sa nangyari kanina.
'Teka, nakatingin sila sakin?'
Yung iba katulad ng expression nung lalaki kanina, natatawa na ewan. Yung iba naman may bahid na pagtataka sa kanilang mukha. Ano bang nangyayari?
"Hoy! Ikaw!" Tawag ko sa isang tao nakatingin sa akin medyo nagulat ito at nag iwas ng tingin na mas ikinagulat ko.
'Nakikita nila ako?'
"Baliw ata yang babae nayan" bulungan ng dalawang babae na nasa gilid ko at nakatingin din sakin.
'Ako baliw?!'
"Hoy! Anong baliw pinagsasasabe mo?!" Sabe ko at pumunta sa pwesto nang dalawang babae.
BINABASA MO ANG
Lucifer's Daughter
Random|| Lucifer's Daughter || "Pano ko gagawin ang isang bagay na alam kong hindi ko kayang gawin?? Anak moko pero hindi ako kasing sama mo. Ayokong maging katulad mo." - Lucy Posible bang mabaliktad ang kapalaran ng isang anak ni Lucifer?