Chapter 6

6 1 0
                                    

Lucy's POV

"Ahhh" sabi ko at napatango nalang.

Nauna siyang maglakad papunta sa pupuntahan namin, ako namay dinampot ko ang kwintas at ang puting bato na nahulog dahil sa eksena kanina. Iniwan naming nakahilata sa sahig ang lalaking siraulo kanina.

"Woohh party party!" Pag pasok namin sa loob, agad sumalubog ang nakakabinging tugtog at sigawan ng tao. Pamilyar sa akin ang lugar na ito dahil minsan narin kaming napadpad sa ganitong lugar ni Damon nuong tinuturo niya ang mga dapat kong malaman sa mundo ng mga tao.  Dito rin madalas pumunta ang mga bad spirits at mga alagad ni ama dahil maraming tao ang nakainom ng alak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dito.

"Dude! Who's with you? Is she your new chick?" Sabi ng isang mortal na tingin ko'y kaibigan nitong lalaking nagligtas sa akin. Kakalapit lang namin dito sa table na may apat na lalaki.

"No, I just met her outside." Sabi ng lalaking nagligtas sakin sabay inom ng baso na sa tingin koy may lamang alak.

"Hi miss!" Bati sakin ng iba pa nitong kasama at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi mo naman sinabi pre na nagbago na pala ang taste mo! Hahahaa" sabi nito at nagtawanan silang lahat maliban sa taong nagligtas sakin.

"Sabing hindi nga!" Salag naman ng lalaking kasama ko sa pang-aasar na natamo niya.

"Babae! Bakit ba andito kapa?" Masungit na tanong nito sa akin sabay lagok uli ng alak sa baso.

'Bakit nga ba ko sumama dito?'

Feeling ko kasi ligtas ako sa kanya dahil sa ginawa niya kanina.

"Dude! Dont be rude, come join us lady." Sabi nung isa at pinat niya pa yung bakanteng upuan sa tabi niya.

"napakababaero talaga, ambilis sa chix. Hahahah" nagtawanan ulit ang mga ito.

"Ahh, wala kasi akong kasama." Tugon ko sa tanong sakin. At umupo narin sa upuan.

Nagkwentuhan lang sila sa mga bagay bagay at nagpakilala sa akin ganun din naman ang ginawa ko. Tyrone ang pangalan ng nanligtas sakin kanina. Ang mga kasama naman niya ay sina Alec, James, Justin, Zander. Lahat sila may kanya kanyang kagwapuhan. Kumbaga sa inumin, iba iba ang timpla ng mga kagwapuhan nila.

"I'll go ahead dude, may meeting pa ako bukas ng umaga" Sabi ni Tyrone at tumayo sa kinauupuan niya. Kinuha niya rin ang Jacket nya na nakasampay sa upuan at naglakad papaalis. Kaya naman tumayo narin ako.

"Ako din. Mauuna narin ako."  Sabi ko at dali daling sinundan si Tyrone papalabas ng night club.

Naabutan ko siyang papasakay sa itim na kotse kaya naman bago pa niya maisarado ang pinto ay pinigilan ko na.

"What lady?" Sabi niya ng nakakunot ang noo.

"Ahmm sasama ako." Seryosong sabi ko na ikinatawa niya.

'Ano bang nakakatawa?'

"Seriously? Bakit ka naman sasama sakin?"

"Ahh, kasi ano.." hindi ko rin alam kung bakit ba gusto kong sumama sa kaniya pero hindi ko rin naman kasi alam kung saan ako tutuloy dahil hindi pa naman ako gaanong maalam sa mundo ng mga tao.

"Ano?"

"Ahhh, kasi diba hindi pa ako nakakapag pasalamat sa ginawa sa pagligtas mo sakin?" Tama, gagamitin ko iyong palusot upang sa ganoon hayaan niya ako, ngunit hindi ko rin talaga alam kung paano ko susuklian ang kabaitan nya sakin gayong wala naman akong ariarian dito sa mundong ibabaw.

"Hell no lady, you're not my type!" Sabi nya tapos umiling iling pa na para bang nandidiri.

'huh? ano bang ibig sabihin neto?'

"Huh? Hindi ko maintindihan. Ano bang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko dahil kung tignan niya ako ay parang nandidiri talaga siya. Nakakadiri ba akong nilalang? Napaka walang modo naman pala ng ginoo na ito.

"You mean, you want to pay me by using your body?" Ano daw? Napakadumi ng utak ng lalaking ito! Puro kabalastugan !

"Ano?! Bastos! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Napasigaw na sabi ko

Tumingin lang siya sakin na para bang inaantay ipaliwanag kung anong gusto kong sabihin.

"Wala akong matutuluyan dahil wala naman akong ari-arian sa mundo-" tingin ko'y lalo lang siyang maguguluhan at hindi niya ako papayagan sumama sa kanya kung sasabihin kong wala akong ari-arian dito sa mundo nila. At malamang sa malamang magtataka siya.

"-este ano naliligaw kasi ako, at malayo yung bahay ko dito, maari bang magpalipas ng gabi sainyo at bukas na bukas at susuklian ko ang ginawa mo" pag-iiba ko sa dapat kong sabihin. Hindi ko naman din alam kung paano ko siya babayaran sa ginawa niya, ang mahalaga ay may matuluyan ako kahit isang gabi lang. Paniguradong bukas bibisitahin rin ako ni Damon. Alam kong hindi niya ako pababayaan rito.

"Do you really think I need your money?" Maangas na sabi nito sa akin. Napakayabang. Sabagay, kung pagbabasihan ang kanyang itchura, hindi niya nga kailangan ng kung ano. Maaring ang mortal na ito ay angat sa buhay o maaring nakahihigit pa.

"Whats your name again?"

"Lucy"

"Okay, Lucy. I don't care about what happened earlier and I don't care about you and your problem. So pwede bang wag mokong kulitin?" Masungit na sabi nito sa akin at inistart na ang kotse niya.

'Aalis na siya! Anong gagawin ko? Talaga bang dito ko nalang ako magpapalipas ng gabi?'

'Alam ko na! Baka makatulong sa akin ang kwintas na ibinigay ni Damon!'

Kinuha ko ito sa bulsa ng damit na suot suot ko. Agad ko itong pinakita kay Tyrone.

Napatitig siya sa kwintas na hawak ko at nagtaka. Hindi ako sigurado sa gagawin ko at alam kong mali ito ngunit ito nalang ang bagay na makakatulong sa akin. Sana ay gumana ang plano ko.

"Tyrone, tulungan mo ko kahit ngayong gabi lang na ito, nagmamakaawa ako, pangako susuklian ang tulong na maibibigay mo." Napatitig lang siya sa kwintas na meron ako at nag-iwas ng tingin.

'Hala! Hindi effective?! Bulok naman ata itong kwintas na binigay sa akin ni Damon? Para saan ba ito?'

Nagulat ako ng biglang niyang bumuksan ang pinto ng kanyang sasakyan sa passenger seat at tumingin ulit ito sa akin this time maaliwalas ang mukha nito at hindi masungit ang dating.

"Sakay" matipid na sabi niya.

'Hala! Gumana ang plano ko?!'

Amazed na amazed ako sa nangyari hindi ko akalain na magagawa ko iyon. Hindi ko akalain na kayang gawin ng kwintas yun. Walang duda na ang kwintas nga na ito ay hinango sa masamang kapangyarihan. Ano pa kaya ang maaring gawin nitong kwintas na ito?



A/N: Sorry po short UD :<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucifer's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon