HIMBD P1: Sabihin Mo Sa Kanya

92 6 0
                                    

Pinaikot ni Clarisse ang bote at sa akin nahinto/natapat ang bote, free time kasi naming ngayon. Kaya nandito kami sa garden, kaming dalawa lang. Ayoko yung marami kami, gusto ko siya lang at kaming dalawa lang. Happy naman kami, kahit kaming dalawa lang. ♥

"Oh..shems! Bakit sa akin tumutok ang bote!"

"Yes! Halika dito Jeizlyn, hahaha! Halika dito~"

"Hey hey, 'wag masakit be ah, dahan-dahan lang pagpisil."

Binigay ko naman ang kamay ko sa kanya at sabay pisil at sabay tanong ng "TRUTH OR DARE?"

"Kyaaah! Be, dahan dahan lang sabi eh. Kyaaah! Ang sakit.."

"Hahahahaha! Ano nga? Truth or Dare?"

"Ehh? Kyaaah! Dare dare!"

Binitawan naman niya agad ang kamay ko ng sabihin ko ang dare. Ang sakit grabe, siya nga pala yung classmate kong may pagka-eng-eng. Kasama ko siya lagi in short, bestfriend ko siya since bata kami. Oo, lagi siyang kinikilig kapag may nakikita siyang gwapo na lalaki. Naiinggit naman siya kapag may girlfriend na ang lalaki. Nakakatuwa nga siyang kasama eh. 1st year college dito sa La Salle. Ay, oo nga pala nakalimutan ko pa siyang ipakilala sa inyo, siya nga pala si Clarisse at ako naman si Jeizlyn Mio minsan ang tawag nila sa akin JM for short.

"Jm! Halika dito." Lumapit naman agad ako sa kanya. "Ano yun? Ano ba kasi yung ipapa-dare mo sa akin? Wag mahirap ha!"

"Nakikita mo ba yung nakikita ko?"

"PAGKAIN?" Sabi ko. Nasa garden kasi kami eh then nakasilip. Ewan ko ba kung pagkain o yung mga gwapong lalaki ang nakikita niya. Ako kasi basta pagkain ok na. Mas Masaya pa ako sa pagkain kaysa sa mga lalaking iyon.

"Hindi,hindi.. Nakikita mo ba yun?"

"Alin ba? Yung lalaking---" Bigla naman niyang pinutol ang sinasabi ko.

"Oo, tama siya nga."

"Eh yung lalaking nagluluto ng hotdog tapos may hawak na tinapay? Si manong? Oh, bakit?"

"Anong nagluluto ng hotdog na may hawak na tinapay ka dyan? Sabi ko yung lalaking nakatayo na yun." Tinuro naman niya yung lalaking may kausap na mga lalaki din.

"Oh nakita ko na, tapos?"

"Puntahan mo siya, hawakan mo kahit saan basta mahawakan mo lang siya at isigaw mo ng malakas na HE IS MY BOYFRIEND, then takbo ka dito kapag naisagaw mo ha. HAHAHA yun lang. Sige dali."

"Huh? Waaaaa! ayoko! Nakakahiya kaya. Ayaw ko na!" tatakbo na sana ako paalis nang bigla niyang nahawakan ang braso ko. "Kung ayaw mo sundin, sasabihin ko sa professor natin na nangodigo ka!"

"What the?! Hindi naman talaga ako nangodigo eh! Di naman sa akin yun! Atsaka, di ko alam kung kanino yun! Lumipad lang yun sa akin!"

"Sige bahala ka kung ayaw mo ng DARE, truth na lang. Ok sige, magtatanong ako sa'yo. Kapag hindi mo nasagot ng maayos, pupunta ka doon sa lalaking iyon at ikikiss mo siya sa lips with feelings!" Humalakhak naman naman siya ng tawa.

"Ok sige, truth na lang. Bakit tungkol ba saan yang tanong mo?"

"Are you sure na gusto mo ang TRUTH kaysa sa DARE? Bahala ka, baka magsisi ka. Ang tanong ko pa naman tungkol sa MATH PROBLEM."

"Waaaaaaa! Hindi hindi! Ayoko na talaga, I GIVE UP NA PROMISE."

"Hindi pwede. Ayaw mo talaga or sasabihin ko sa professor natin na nangodigo ka?"

"Clarisse naman eh, hindi naman talaga sa akin yu-"

"Kung hindi talaga sa'yo, aba patunayan mo. Pumunta ka doon sa lalaking iyon, then isagaw mo na malakas na HE IS MY BOYFRIEND. Hanggang dito dapat ah, para hindi makita ang mukha mo, takbo ka agad dito. Get's mo?"

"Huhuhuhu, Clarisse naman eh."

"Go Girl, kaya mo yan.."

Lumapit na ako sa lalaking nakatayo at may kausap na lalaki. Bago ko isigaw ang pinapasigaw ni Clarisse sa akin, tinuro ko muna yung lalaki sa kanya na ibig sabihin, siya ba talaga. Umo-o naman siya.

Lumapit pa ako ng kaunti, kaya naman yung mga lalaking kausap niya ay nakatingin sa akin habang siya ay nagkukwento. Grr heto na! Nanginginig ako....Hinawakan ko siya sa braso then "HE IS MY BOYFRIEND!!!" tatakbo na sana ako ng hawakan niya rin ang braso ko. Sheyt ang malas ko naman sa pagtakbo oh.

Lahat naman ng mga studyante ay nakatingin sa amin pati yung mga kausap niya kanina. "Miss sino kaba? At bakit mo sinagaw na boyfriend mo ako?" Tumingin naman ako sa direksyon namin ni Clarisse kanina. Waaaaaa! Wala na siya! Patay! Ano na ang sasabihin ko nito? Waaaaa!

"Ah-ehh-ihh - Ano kasi.. look may cockroach." Tumingin naman agad siya at tumakbo naman agad ako.

"Kyaaaaah! Clarisse!-acck!" Kamalas-malasan nga naman oh. NATISOD ako, sheyt naman itong batong ito. Tumingin naman ako sa likod ko, nakita ko namang papalapit na siya sa akin, kaya naman gumapang-gapang ako. Kyaaaaah! Bilis Jm, ang tanga tanga mo kasi eh! Ang malas mo!

Tumingin naman ulit ako sa likod ko at "AY KALABAW."

"Miss, sino kaba? Hindi naman kasi kita kilala eh. Bakit mo ba kasi sinagaw yun?"

"Ahh, wala wala. Trip ko lang. Sige aalis na ako. Makati lang paa ko kaya ganito ako." Pinipilit kong tumayo at heto nakatayo naman agad ako pero paika-ika ang kanang paa ko. "Ahhww, ang sakit ng paa ko." Natumba naman ako sa kanya. Kyaaah! Ano bang nangyayari sa akin?

"Miss, kaya mo pa ba?"

May babae naman na nakakunot ang kilay at papalapit yata sa amin? Papalapit? Kyaaah! Sa amin nga ang tungo niya lagot na! Waaaaa! Madagdagan pa yata ang kamalasan ko ngayon.

He Is My Boyfriend "DARE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon