HIMBD P3: Zombie Mode?

42 5 0
                                    

“Hey, Jm? Why are you have an eyebugs?” tanong sa akin ni Clarisse. “English pa more.” Walang energy kong sabi. “Zombie mode?” Sabi naman niya at tumawa naman siya. “Che, manahimik ka nga dyan. Ipasa mo na nga lang tong assignments ko sa Prof. natin, kapag tinanong kung bakit wala ako, sabihin mo, EXCUSE  or sabihin mo MAY SAKIT kaya naman NAGPASA NA LANG SIYA NG ASSIGNMENTS. Pupunta na muna ako ng library matutulog na muna ako, gusto kong mawala ang eyebugs ko. Sige Clarisse, aasahan ko yang sasabihin mo ha.” Binigay ko na sa kanya yung mga dapat ipasa, lumabas na ako at pumunta na ng library. Dating gawi, kung saan ako natutulog, doon pa din ako ngayon. May secret kasi ako para hindi ako makita eh. Matutulog ako sa ilalim ng malapad na table. Hindi naman nila ako makikita kasi tagung-tago ako eh.

zZzZzZzZzz…

After 2 hours

*Kriiinnnggg! Kriiinnnggg! Kriiinnnggg!*

“Ay pusa!” nagulat naman ako at tinakpan ko agad ang bibig ko, yung cellphone ko kasi nagring, yan kasi yung alarm ko kapag tapos na yung klase namin. Hindi ko na-silent mode -.- nasa library pa naman din ako. Ngayon may nakita akong dalawang paa, parang may hinahanap siya. LALAKI siya kasi naman pang-lalaki yung sapatos niya. Tinakpan ko lang yung bibig ko at hindi nagsalita. Sumilip naman ako kung sino yun. O.o Sheyt! Si …. Si …

Si… Jiro. May hawak na libro, ano ang ginagawa niya dito? Ay juice colored! Jeizlyn! Jeizlyn mag-isip ka naman nasa library ka! Waaa! Oo nga pala. Hihihi ^_^v

Nahulog naman yung libro niya sa lapag, SA TAPAT KO PA MISMO! Oo, MISMO! At malapit pa sa akin!

Hala? Ano ba ang gagawin ko? Paano kung makita niya ako na nandito ako? Sheyt naman! Bakit bakit! Ah bahala na si Superman sa gagawin ko. Iniurong ko naman yung libro papunta sa paa niya. At shocks!! ANG SAKIT!! Waaaa! ANG SAKIT SAKIT SAKIT!!

INAPAKAN NIYA YUNG KAMAY KO!!

JIRO’s POV

Alam ko naman na may tao dito sa ilalim ng table na ‘to eh, alam niyo ba kung sino? Syempre alam niyo na. HAHAHA!

Flashback

Nakita ko si Jeizlyn naglalakad na parang zombie pumunta siya sa library kaya naman sumunod na din ako. Nakita ko din siya kung saan siya pumunta, kaya naman sinundan ko siya. At ABA! Nakita ko siyang sumiksik sa ilalim ng table! Akala niya siguro walang nakakita sa kanya? Hahaha! AKALA NIYA LANG YUN!

“Sige, babalikan kita dyan. May bibilhin lang muna ako dahil nagutom ako sa pagsunod sa’yo.”

Puyat ‘to panigurado dahil nakita ko din ang eyebugs niya eh. Tss, ang galing ah? May secret bed siya dito sa library. Hahaha!

After 2 hours

Bumalik na ako sa library at pumunta sa pwesto niya kung saan siya natutulog. Sinilip ko naman siya sa di kalayuan, Oo! Nakita ko siya, nandun pa rin ang Zombie.

End Of Flashback

May narinig akong nag-ring, cellphone niya panigurado. Sus! Nakalimutan pa yatang i-silent mode ang cellphone bago pumasok dito sa library.

Alam ko na ang gagawin ko ngayon.. Kumuha ako ng dalawang libro at kunwaring nagbabasa at pumunta ako sa pwesto niya at kunwaring nahulog ang libro ko. Alam kong gising na siya dahil sa cellphone niyang nagring ng tatlong beses. Naglakad-lakad ako at nakita ko yung kamay niya na iniurong ang libro na nalaglag sa lapag.

At ayun sa di kalaunan XD Inapakan ko yung kamay niya, nagpupumilit akong tumawa dahil baka mahuli ako ng nagbabantay dito sa library, buti na lang malayo dito yung guard na nagbabantay.

He Is My Boyfriend "DARE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon