HIMBD P2: Hey Jiro!

50 5 1
                                    

“Hey Jiro! Who’s that girl? Siya ba yung babae mo? Pwes, kung siya nga. CHE MAGSAMA KAYONG DALAWA!” Pagkatapos niyang sabihin yan, bigla niyang sinampal sa pisngi si Jiro.

“Coleen wait. Let me explain this.” Bigla naman akong binitawan ni Jiro at hinabol si Coleen.

This is my fault. So paano na ako? Clarisse, ikaw ang may gawa nito eh! PAHAMAK KA CLARISSE!

Nakatingin pa rin ang karamihan sa akin. “So ano ang tini-tingin tingin niyo dyan? May sine ba para manood?”

Ang sungit naman nitong babaeng ito.

Sino ba siya para isigaw yun? Hindi ba niya alam na may girlfriend si Jiro? o sadyang caterpillar lang talaga siya?

Oo nga eh, yan tuloy kawawa naman yung girlfriend ni Jiro.

“Hey, Im not a caterpillar. Baka nga kayo dyan yung butt ng manok eh. Hindi tumitigil sa kakaputak! Oh say?”

Tara na nga baka mangati pa tayo dahil sa kanya eh.

“Che!”

Aray ko naman…. Ang sakit sakit talaga ng paa ko, ano ba yan. Wala man lang ba tutulong sa akin? Iniwan kasi ako ng lalaking yun eh. Siya ang may kasalanan nito kaya ako nagkaganito eh.

“Hey, Miss! Tumayo kana nga dyan! Anong oras ba ang uwi mo ha?” Sabi sa akin nung Jiro.

A/N: Ang pronunciation ng name ni JIRO ay DYIRO not HAYRO. Ok? Yun lang po thanks, back to read again. :”>

“Bakit mag-de-date agad tayo? Ayaw ko nga. Kita mong masakit ang paa ko eh aayain mo pa ako. Bukas na lang.”

“Tss, uso mahiya, Miss. Eh hindi nga kita kilala magpapadate agad ako sa'yo? Tss, No way for that high way! Ano ako bata para sumunod sa’yo? Tss, ano nga oras uwi mo?”

“3:00 pm. BAKIT BA?”

“Ihahatid kita sa bahay mo then sasabihin ko sa family mo na may kasalanan ka!”

“Eh paano yan? Wala na akong family? So saan mo ako ihahatid?”

“Edi sa prisinto! Tumayo kana nga dyan, wag ka ng umarte pa!”

“Excuse me! Hindi ako umaarte, ano! Kung umaarte pa ako, diba nga sabi mo uso mahiya? Kung umaarte ako eh kanina pa sana ako nakatayo no!”

“Tss. Saan kaba pinaglihi ng mga magulang mo? -_- Oh tayo na!” Nilahad naman niya yung kamay niya para tulungan akong makatayo.

“Thanks.”

Nakita ko naman si Clarisse na may kausap na iba, kaya naman tinawag ko siya habang nakaakay ako kay Jiro na ito. “Clarisse!!”

“Sino naman ang tinawag mo?”

“Yung kaibigan ko!”

Lumingon naman sa akin si Clarisse at papalapit na sa amin. “Oh, saan kaba galing? Anong nangyari sa paa mo bes? Sino yang kasama mong lalaki?”

Umaakay naman ako kay Clarisse at si Jiro naman ay nagtataka. “Sige, Jiro salamat dito nalang ako sa kaibigan ko.”

“Hey yung sinabi ko sa’yo ha!”

“Oo na!” sabi ko. Humanda ka sa akin ngayon Clarisse. “Hoy bakekang ka! Bakit mo ako iniwan ha? Bakit ka nawala kanina sa pwesto mo! Gaga ka talaga!”

“Bes, kinikilig ako sa inyo kanina h.Yiiieee... Pero talaga ang gwapo ng lalaking yun. Bagay kayo, pero nga lang naiinis ako sa babaeng umagaw eksena sa inyo ni Jiro.”

He Is My Boyfriend "DARE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon