Mica's POV
Sabado ngayon Simula na ng bakasyon, Simula narin ng paglalaba,pagtitinda at pagtulong kay nanay sa gawaing bahay.
Hindi naman kami mayaman kaya kaming dalawa ni nanay ang gumagawa ng lahat dito sa bahay, maaga namang namatay si tatay at ang kaisa-isa kong kapatid ay nawawala dahil sa isang aksidente, hindi parin kami nawawalan ng pag-asang mahahanap namin sya kaya tuwing linggo naglilibot ako dito sa aming barangay nagbabakasakaling makita ko sya pero 2 taon ko na tong ginagawa pero wala paring balita"Mica anak lumabas ka na dyan sa kwarto wag ka nang magdrama!"
"Opo nandyan na "
Minsan talaga nalalaman ni nanay ang ginagawa ko kahit di ko sinasabi
Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ako sa kwarto
"Ma ano pong gagawin ko???"
"Aba !eh di maglaba ka"
"Aye aye ma'am"
Talaga toh si nanay di ko maintindihan kong galit ba o hindi
Pagkatapos ng usapan namin ni nanay ay pumunta ako sa kwarto ko para tignan kung may marumi akong damit at tinignan ko din ang kwarto ni nanay kung may marumi ,habang naghahanap ako may nakita akong sobre kaya kinuha ko binasa ko ang nasa unahan
Mary academy
Bubuksan ko na sana kaso bigla namang sumigaw si nanay
Nanay talaga oh, bubuksan ko na eh tinawag pa ako , gusto ko sana sabihin kaso baka suntukin ako ni nanay may lahi pa namang boksingero si nanay
" Oy anak nakatulog ka na ba at ang tagal mo dyan!!!"
"Hindi pa naman po ma!! Malapit palang hahahaha"
"Talaga tong batang toh ,bilisan mo na dyan"
Ibinaba ko na ang sobre tsaka lumabas ng kwarto at dumiretso sa poso
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Sa wakas natapos din ako , ang sakit sa likod eh
"Ma tapos na ako!! "
"Tumayo ka na dyan at bumili ka sa palengke ng gulay"
"Opo"
Lumapit ako kay nanay at humingi ng pambili ng ulam , pagkabigay na pagkabigay ng pera ay umalis na ako
Mabilis naman akong nakarating dahil ilang metro lang naman ang layo nito sa bahay
'"Oh mica bibili ka ba ulit ng gulay " sabi ni aling Marta, yung tindera ,suki nya ako dito
"Opo, yung katulad po ulit ng dati"
Inilagay na ni aling Marta yung mga binili ko at ibinigay sa akin
Dahil wala na namang pinabiling iba si nanay eh umuwi na akoHabang naglalakad parang nararamdaman kong may nagmamasid saakin kaya lumingon lingon ako pero wala namang tao kaya nagpatuloy ako sa paglalakad parang may nararamdaman akong masamang mangyayari
Unknown person POV
"padating na sya bilisan nyo na " sabi ko sa mga tauhan ko
"Opo boss"
Tignan narin ang tapang mo ngayon Mica hahaha hahaha
Hindi pa dito natatapos ang paghihiganti ko sayo sisiguraduhin ko sayong magsisisi ka dahil sa ginawa ng tatay mo ikaw ang magbabayad hahahaha!!!!
Mica's POV
Binilisan ko pa ang paglalakad dahil sa nararamdaman kong kaba at takot
Hindi ko alam kung bakit ako natatakot
Nararamdaman ko kasing may masamang mangyayariPaano kung may nangyari kay nanay ???
Kakayanin ko ba ??? Huhuhuhu
Sana nagkakamali lang ang pakiramdam ko
Habang palapit ng palapit lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko
Ngayon nasa harap na ako ng bahay
Kinapitan ko na ang doorknob
Pag bukas ko nakahinga ako ng maluwag dahil nakita ko si nanay na nakaupo sa sofaDali dali akong tumakbo palapit kay nanay ngunit parang nanlambot ang tuhod ko ng makita ko ng malapitan si nanay
May saksak sya sa leeg at sumusuka ng dugo
"Anak…"
Lumapit ako kay nanay
" Ma!!! Anong nangyari ??!huhuhu"
"Anak… ku-kunin mo y-yung sobre at puntahan mo yung address na nakasulat doon tiyak na ligtas ka don "
'" P-Pero Ma hindi kita iiwan dito !"
"Anak ito na ang huli kong hiling kaya sana sundin mo para ito sa ikabubuti mo"
"Pero…"
"Anak ... Plssss....??"
"S-Sige po "
Dahil hiling yon ni nanay sinunod ko dahil ayokong biguin si nanay
Pumasok ako sa kwarto ko at nagimpake ng mga damit ko tapos kinuha ko yung sobre at lumapit ulit kay nanay
"Ma..."
"Anak umalis ka na padating na sila "
"Pero..."
"Plssss.."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa pakiusap ni nanay
Niyakap at hinalikan ko si nanay
"Ma I love you"
"I love you too ana..."
Pero hindi na naituloy ni nanay ang sasabihin nya dahil may dumating na mga lalaking nakaitim
"Anak tumakbo kana " sabi ni nanay tsaka ako tinulak
Sa huling pagkakataon sinulyapan ko si nanay at tsaka tumakbo palayo upang hindi ako maabutan ng mga lalaking nakaitim
Thanks sa nagbasa at nag vote
Don't forget to vote, follow and comment!!<3
YOU ARE READING
Moonlight Academy: The School Of Fairies
FantasyMOONLIGHT ACADEMY Ito ay paaralan na ang layunin ay turuan ang mga special student kahit na buhay pa ang maging kabayaran Tinuturuan nila ang mga special student para sa sarili nilang kaligtasan Pero kahit na ganon ,dito ko natutunan ang pagsasa...