Samantha's POV
"Hindi ko alam na close pala kayo"
Dahil sa boses na yon ay agad akong kumalas mula sa pagkakayakap ni Nathan
"Isabella, Mali ang iniisip mo , nagpasama lang ako sa kanya dito"
"Ah kaya pala magkayakap kayo " pagkasabi nya non ay bigla nalang tumulo ang luha nya
"Isabella sorry hindi ko naman sinasadya eh " at akmang hahawakan sya pero bigla syang lumayo at tumakbo
Susundan ko na sana sya subalit may humawak sa braso ko
"Bakit sya nagkaganon??" Halata sa mukha nya ang pagkagulat dahil sa naging reaksyon ni Isabella
Hindi na ko sumagot at tinanggal ang kamay nya sa braso ko at tsaka tumakbo para masundan si Isabella
Nakita ko si Isabella sa hallway ng girls dormitory kaya tinawag ko sya
"Isabella!!" Tumigil naman sya pero hindi sya lumingon kaya lumapit ako sa kanya
"Isabella kung ang iniisip mo ay may relasyon kami sinasabi ko na sayo nagpasama lang ako sa kanya dahil nakita ko sya doon "
"Eh bakit ka pumayag na magpayakap?? Diba dahil ginusto mo rin !! Sam alam mo namang gusto ko sya tapos Makikita kitang nakikipaglandian sa kanya , kaibigan ba talaga kita??!"
"Kaibigan mo ko Isabella kaya sana wag mo naman akong pag isipan ng masama dahil hindi ko yon gagawin so kung ano man ang tingin mo sa ginawa ko sorry , gagawin ko lahat patawarin mo lang ako " nangingilid ang luhang sabi ko
"Layuan mo sya , si Hanna , ako , lahat kami !! Simula ng dumating ka nawala na ang atensyon nilang lahat saakin!!"
"Kung yan ang paraan para patawarin mo ko gagawin ko " sabi ko at tsaka tumakbo palayo
Pumasok ako sa dorm at nahiga nalang sa kama hindi ko namalayan na nakatulog pala akong umiiyak
dT_Tb ZzZzzzzzz
Author's note
Continuation lang po ito ng chapter 12 pag medyo mahaba na po kasi ay nag loloko ang phone ko kaya napagdesisyonan ko pong hatiin nalang , thanks !!
See you sa next chapter!!
YOU ARE READING
Moonlight Academy: The School Of Fairies
FantasyMOONLIGHT ACADEMY Ito ay paaralan na ang layunin ay turuan ang mga special student kahit na buhay pa ang maging kabayaran Tinuturuan nila ang mga special student para sa sarili nilang kaligtasan Pero kahit na ganon ,dito ko natutunan ang pagsasa...