Author's note
Hello!! Guys
Pag may tanong at suggestion po kayo just comment para po makita ko
Thanks!!<3=×=×=×=×=×=×=×=×=×
Papunta na kami sa gymnasium para sa training namin
Habang naglalakad nararamdaman kong may nagmamasid saakin
Kaya lumingon lingon ako
Napako ang tingin ko sa isang puno
Nandon sya , hindi ako pwedeng magkamali sya yonMark…
Habang tinitignan ko sya ay bigla syang ngumisi at umalis
Hindi ko na sya nasundan dahil parang napako ako sa kinatatayuan koBakit ganon sya?? Parang may pahiwatig ang ngisi nya
Panganib , panganib ang nakikita ko sa mga ngisi nya , galit ang sinasabi ng mata nya"Oy okay ka lang ba???natulala ka jan eh" Isabella said
Humarap ako sa kanya
"Okay lang ako" sabi ko habang pinupunasan ang luha , hindi ko namalayan na umiiyak pala ako
"Oy bakit ka naiyak??may masakit ba sayo?, dadalhin kita sa clinic"
"Wala may naalala lang ako" sabi ko habang patuloy sa pagpupunas ng luha ko
"Okay, Tara na " sabi nya at tsaka ako nginitian
Ngayon ko lang din nalaman na nakapasok na pala lahat sa gymnasium
kami nalang pala ang nasa labasPag pasok namin nakita agad namin ang ibat - ibang mga weapons
Ilang minuto lang ay dumating na si sir. Takashi
"Okay class , sinong gustong mauna , by 2's tayo"
Nagtaas naman ng kamay yung pula at dilaw ang buhok yung bumisita sa clinic nung nakaraan
"Okay , Kian and Nathan you may pick your weapon and sainyo nadin ang mapipili nyo"
Tumayo naman silang dalawa at lumapit sa table kung saan nakalagay ang mga weapon
"Psst! Hanna"
"Huh? Bakit??"
"Sino yung pula ang buhok??"
"Ah yon si Kian at si Nathan naman yung may dilaw na buhok , bakit mo natanong may gusto ka sankanya , yieeeee!"
"Anong may gusto!? Yack!! Curious lang ako kaya ko na tanong"
"Okay!, yieee hihihihi"
"Shut up!!"
"Okay, I'll shut up hihihi"
Minsan talaga nasisiraan si Hanna ng bait kaya kung ano ano nang naiisip
Kinuha ni Nathan yung bow and arrow
Parehas pala kami ng gusto at ang kinuha naman ni Kian ay ang swordHinayaan muna ni sir na makakuha ang lahat bago magsimula
Ako ,kumuha ng bow and arrow
Si Isabella naman ay sword katulad ni Kian at si Hanna ay kumuha ng barilPinagsama sama ni sir kung sino yung magkakaparehas ng weapon para makapagsimula na
Kaming mga kumuha ng bow and arrow ay pumunta sa quadrangle doon ang training ground namin
Iba iba ng pwesto bawat weapon
Ang kumuha ng gun's ay nanatili sa gymnasium yung sword naman ay sa likod ng main building"Okay archers be ready!!"
Pumwesto na kami
Tig iisang target bawat isa , ang una ay 10 meters away from the target
Kung sino lang ang maka bullseye ay sya lang ang makakapunta sa next levelNasa level 5 na kami ni Nathan at 5 nalang kaming natitira
50 meters away from the target ang level 5"Ready, set, fire!!"
Pinakawalan ko na ang arrow at tumama sa bullseye ganon din si Nathan kaya kaming dalawa nalang ang natira dahil hindi tumama ang arrow nila
"Dahil 2 nalang kayo , papalitan natin ang bow ng mas malaki at mas malayo ang target"
"Okay " sabi naming dalawa
Habang naghahanda tinignan ko si Nathan naghahanda din sya
Bigla syang napalingon sa akin at nginisian nya ako , ngising nagmamayabang"Humanda ka na sa pagkatalo mo" sabi nya saakin at ngumiti
Di ko na lang sya pinansin
ASA!! Hindi ka mananalo saakin!!Okay archers , ready,set and go!!!"
Pinakawalan ko ang arrow ko kasabay ng kay Nathan
1
2
3
Bullseye!!
Tumama sa bullseye yung saakin samantalang hindi manlang tumama sa target yung kay Nathan
Lumapit ako sa kanya
"Wag kasing inuuna ang yabang!!" Sabi ko at tsaka tumalikod
"Tsamba mo lang yon!!" Dinig kong sigaw nya
Halata sa boses nya na naiinis syaDi ko na sya pinansin
Naglakad nalang ako pabalik sa dorm tapos na kasi ang klase koAuthor's note
Hi there!!
Comment nyo lang pag may tanong kayo sasagutin ko yanDon't forget to vote, follow and comment!!
See you next chapter!!
YOU ARE READING
Moonlight Academy: The School Of Fairies
FantasyMOONLIGHT ACADEMY Ito ay paaralan na ang layunin ay turuan ang mga special student kahit na buhay pa ang maging kabayaran Tinuturuan nila ang mga special student para sa sarili nilang kaligtasan Pero kahit na ganon ,dito ko natutunan ang pagsasa...