Nathan's POV
Nakakainis talaga yong babaeng yon!! Grrr!!
"Wag kasing inuuna ang yabang!!"
"Wag kasing inuuna ang yabang!!"
"Wag kasing inuuna ang yabang!!"
"Ano ba tumigil ka na nga !!! Grrr!!"
Sabi ko sa sarili habang hinahawakan ang ulo koLagi nalang nagpapaulit ulit yung sinabi ng babaeng yon
"Hoy!! Ano bang problema mo??!,gabi na oh, labas!!"inis na sabi ni Kian
" pero…"
"Labas!!"
"Kian naman…"
"Hindi ka lalabas??" Tanong nya at tsaka nag form ng fire ball sa kamay
'' eto na nga oh aalis na" sabi ko sabay takbo palabas
Baka masunog ako ng maaga, sayang naman ang kagwapuhan koNapagdesisyonan kong pumunta sa garden para magpahangin at wala ring tao don kaya hindi ako magugulo sa pagiisip
Habang naglalakad may natanaw akong grupo ng mga lalaki sa di kalayuan Kaya napagpasyahan kong lumapit para madinig ko ang pinaguusapan nila
"Boss may bago po kaming nalaman " sabi ng isa sa mga lalaki sa kausap nya sa telepono
"Anong bago ang nalaman mo??" Dinig kong sabi ng nasa telepono , naka loudspeaker kasi
"Nalaman po namin na si Mica ay ang lege…" hindi na naituloy nung lalaki yung sasabihin nya dahil naapakan ko yung tuyong dahon na naglikha ng ingay kaya napalingon silang lahat sa gawi ko , buti nalang nakapagtago kaagad ako sa itaas ng puno kaya hindi nila ako nakita , hindi ko na din nadinig ang pag-uusap nila siguro umalis na sila
Naghintay pa ako ng 10 minuto bago bumaba para makasigurong wala na sila
Sino kayang Mica ang tinutukoy nila ??
Malakas ang kutob ko na ang Mica na tinutukoy nila ay ang Mica na kilala namin , ang Mica na first love ko…
Pero paano nila nakilala si Mica ??Ang daming tanong ang nabubuo sa isip ko
"Psst!!"
"Hoy!!" Nang dahil sa sigaw na yon ay natauhan ako kaya lumingon ako
"Hoy! Anong ginagawa mo dito ??" Tanong ko kay Sam
Ewan ko pero bigla nalang nawala ang inis ko sakanyaMinsan naiisip ko na sya si Mica dahil sa pagkakaparehas nila ng kulay ng buhok at mga kilos
"Wala lang, hindi ako makatulog eh" sabi nya at tsaka umupo sa damo
"Alam mo ba nahihirapan na ako??" Pagpapatuloy nya habang nakatalikod saakin
Bakit naman kaya sya nahihirapan??
Dahil sa curiosity ay nagtanong na ako
"Bakit naman??" Tanong ko at tsaka tumabi sakanya
"Nahihirapan na kong magpanggap, gusto ko nang bumalik sa dating ako , gusto ko nang makapiling si nanay"
"Pwede mo namang tawagan ang nanay mo kung may gusto kang sabihin"
"Sana nga pwede pero hindi eh" pagkasabi nya non ay bigla namang tumulo ang mga luha nya
Iniharap ko sya saakin at pinunasan ko ang mga luha nya
Nung nagdikit ang balat namin ay parang may kuryenteng dumaloy sa katawan koPossible kaya na sya si Mica ??
Kay Mica ko lang kasi nararamdaman ang bagay na yon Simula pa nung mga bata kami
7 years na ang nakakalipas ng huli kong maramdaman toh, ang pagbilis ng tibok ng puso koNatigil lang ako sa pagiisip ng tanggalin nya ang kamay ko sa mukha nya
"Bakit naman hindi pwede??" Tanong ko sakanya
Nakaharap sya saakin ngayon kaya nakita ko nanaman ang pagtulo ng mga luha nya
"Wala na kasi sya, pinatay sya "
"Sorry hindi ko naman kasi alam"
"Okay lang yon " sabi nya habang nagpupunas ng luha
"Pwede ba humingi ng favor??"
"Oo naman ano ba yon??"
"Pwede bang samahan mo ako dito kahit hanggang mamaya lang ??" Halata sa mata nya ang lungkot
"Sige okay lang naman saakin"
Ewan ko ba kung bakit ako pumayag kahit hindi naman kami close
Parang may nagsasabi saakin na Gawin toh
Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya, hindi naman sya pumiglas , gusto nya siguro ng makakasama pag malungkot sya
Isabella's POV
Hindi ako makatulog kaya lumabas nalang ako ng dorm at Sakto namang nakita ko si Samantha mukang hindi din sya makatulog kaya sinundan ko na lang sya
Nandito na kami ni Samantha malapit sa garden , lalapitan ko na sana sya ngunit nakita kong lumapit sya kay Nathan
Alam kong si Nathan yon dahil sa postura ng katawan nya
Kaya napagdesisyonan kong tumigil muna at panoorin ang gagawin nila
Mukang tinatawag ni Samantha si Nathan dahil napalingon ito sa kanya
Ipinagpatuloy ko lang ang panonood hanggang makita kong niyakap ni nathan si Samantha
Bigla nalang tumulo ang luha ko
Matagal ko na kasi syang gusto pero manhid ata sya kaya hindi nya nakikita ang halaga ko
Lumapit ako sa kanila , Ewan ko kung bakit nagagalit ako , naiinis ako bakit pati si Nathan kailangan nyang agawin , naagaw na nga nya ang atensyon ni Hanna pati ba naman si Nathan"Hindi ko alam na close pala kayo" pinipigilan ko ang luha ko dahil ayokong makita ako ni Nathan na umiiyak
Author's note
Hi guyss!! I hope you enjoy the story <3
See you next chapter!!
YOU ARE READING
Moonlight Academy: The School Of Fairies
FantasyMOONLIGHT ACADEMY Ito ay paaralan na ang layunin ay turuan ang mga special student kahit na buhay pa ang maging kabayaran Tinuturuan nila ang mga special student para sa sarili nilang kaligtasan Pero kahit na ganon ,dito ko natutunan ang pagsasa...