190

530 15 0
                                    

Mayroon kaming isang kaibigan na hindi pa kailanman nawala sa gala namin. Isang gabi, niyaya namin siyang mag-swimming since Sabado naman na kinabukasan.

Kinaumagahan, nagkita-kita na kami at siya na lang ang hinihintay. Makalipas ang limang minuto, dumating siya pero pawis na pawis at hinihingal.

Binalewala lang namin iyon.

Pagkadating namin sa resort, nag-ayos na kami at nagpalit, then we talked about stuffs such ghosts and doppelganger habang hinihintay namin 'yung signal na pwede nang maligo.

Napansin namin na nawala siya. We looked for him but we cannot find him. We even called his phone pero cannot be reached, akala pa nga namin, nasa sasakyan pero wala. As in wala. Kinabahan na kaming lahat nun. Suddenly, tumawag 'yung mama niya.

"Yes po, tita?"

"Anak, pasensiya na pero wala na si Jacob!"

Lahat kami nagulat.

"Pero tita, kasama lang namin siya kanina, eh. May swimming kasi kami..."

"Wala na siya..." May bahid ng hagulgol sa boses niya, kahit ang ilan sa mga tingin naming kasama niya.

"Nagbigti siya..." she continued.

Hindi namin alam kung maniniwala ba kami o hindi. Hindi naman kasi siya 'yung taong magpapakamatay na lang bigla, masiyahin rin siya, halatang walang problema.

"May picture po ba kayo, tita?"

Agad namang sinend ni tita sa amin 'yung picture na kung saan, suot niya 'yung damit na suot niya din kanina nung nagkita-kita kami.

Hindi na namin tinuloy 'yung swimming at dumiretso na lang sa ospital. On our way to his room.....

... he texted me...

"Saan na kayo? Kanina ko pa kayo hinahanap, nagpalit lang ako eh."




#ManilaEncounters




Thank you for reading!

Manila EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon