THAT LIAR

32 9 7
                                    

-
-
-

"Tere! May bisita ka!" Sigaw ni Ate Laura galing sa sala.

"Sabihin mo sandali lang!" Sigaw ko pabalik.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan tumungo na ako sa pintuan. Madali lang naman ang paghugas ko, puro kasi baso yung hinugasan ko.

"Sino po sila?" Walang ganang tanong ko sa lalaking tingin ko delivery guy or something.

"Ah, ikaw ba si Tere Franco?" Tanong nito pabalik.

"Oo, ako nga."

Tiningnan pa niya ako from head to toe. Wow maka tingin siya parang ang perpekto na niya.

"Pinapaabot po ito ni Sir Harry Montes," sabay abot sa akin ng maliit na letter na may nakasulat na "please?" sa front.

"Ah, meron pa po dito," sabi niya tsaka bumalik sa kanyang maliit na Toyota Wigo. Binuksan niya yung backseat tsaka may kinuha siyang isang bouquet of roses at isang maliit na cake.

Inabot niya ito sa akin at sandaling tinitigan ako.

"Uh, pakisabi sa kanya salamat. Yun lang, thanks." Sabi ko at bumalik na ulit sa loob.

"Oh, ano yan?" Tanong ni Ate.

"From Harry." Tipid kong sagot.

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"Balik na ulit kayo?" Minsan napapaisip na lang ako kung kapatid ba talaga ako nito. Mukhang mas kampi pa siya dun kaysa sa akin eh.

"Ewan" sagot ko at umakyat na sa kwarto.

Iniwan ko yung cake sa ref at inilagay ko yung flowers sa vase namin. Sa ibabaw nung cake, may nakasulat na "Sorry".

Pagkaakyat ko sa kwarto tiningnan ko ulit yung letter at napag desisyunang basahin ang laman niyon.

"Dearest Tere,
I love you my baby bug! I love you, I love you, I love you! Please baby, forgive me already! Alright, I'm sorry! Ako na maghihingi ng patawad kahit na hindi naman talaga ako ang may kasalanan. Baby, it was all a misunderstanding. Your friend here, kissed me first. I only frozed and stared at her then boom! You came in. But seriously babe, I don't have feelings for her. My heart is only for you! Ah no, scratch that. My heart already belongs to you and only you Tere Franco. Only for you baby bug. C'mon babe, what did you do to your bestfriend? Bigla na lang siyang nag confess sa akin na may gusto siya sa akin tsaka gustong gusto daw niyang matikman ang aking labi. Kasalanan mo 'to babe! Jumowa ka ng gwapo eh! Pero bahala na, sayo lang naman magpapansin. Uuuuuuy! Ngumiti na baby bug ko;) Dali, punta ka sa terrace mo, andun ako sa baba may surprise ako dali! Oo nga, andito nga ako so dali na! Pero wait lang tapusin mo muna 'tong letter ko. I LOVE YOU BABY BUG AND PWEDE KA NANG PUMUNTA SA TERRACE NGAYON.

Love,
Harry"

Dali dali akong pumunta sa terrace at hindi nga ako nagkakamali, andun nga si Harry. Mag-isa lang siya at may dala siyang gitara habang tumitingala dito sa akin. Ngumiti siya nung nakita niyang lumabas na ako.

Yes, he made my heart flutter pero hindi. Ayoko. Ayoko na.

Nagsimula na siyang kumanta pero all I ever did was to stare at him and overthink a lot. I don't feel happy. I also don't feel sad. I don't know what I am feeling. I can't describe it. Ayokong mawala siya sa akin pero may parte rin sa akin na nagsasabing kailangan ko na siyang bitiwan. Ayokong makita siyang may kapiling na iba pero parang ayaw ko rin kapag kapiling ko siya.

Tinitigan ko lang siya at 'di ko namalayan na bumuhos na ang aking luha. Hindi dahil sa saya. Hindi din dahil sa lungkot. Dahil siguro alam kong hindi ako karapat-dapat para sa kanya. He's too good for me eh.

Sa sobrang pag o-overthink ko, 'di ko namalayan tapos na siyang kumanta.

"Baby Bug! Come down here! I have something to tell you!" Tahimik akong tumango at sinunod ang kanyang sinabi.

Pagkababa ko, naka abang na siya sa pintuan. Pagkakita niya sa akin bigla niya akong nilumos sa kanyang halik. Ewan ko pero ayokong bumitaw. Pero nasasaktan na ako eh.

After seconds of kissing me I pushed him.

"Wh-what?" He uttered.

I looked at him straight at his eyes. Tears are still falling down from mine.

"Stop it Harry... nasasaktan ako can't you see?" Nanghihina kong sabi. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko tsaka walang pagdadalawang isip na hinalikan ulit ako.

"I SAID STOP!" he flinched.

"Baby bug.. bakit? What did I do wrong?" Ha! Wrong? Akala niya siguro tanga ako para di maka pansin.

"Stop all these acts and lies Har! Stop acting like you care! Stop all these acts please 'coz I'm falling! I'm falling so damn hard on you!" Pumikit ako at umiyak ulit.

Ang tanga ko kasi we were just pretending. Yes we placed some labels but it's all a pretend! All of them are lies and acts.

"Stop it Har. Everyone thinks that we're real. But we aren't! So let's.. let's just stop this pretending show okay?"

He slowly looked down. Is he hurt? F*ck! Just f*uck! Ako na yung umiiyak dito oh! Pero ako pa yung may gana mag tanong sa sarili ko kung okay lang ba siya. I hate this f*cking life.

"Akala mo.. ikaw lang?" Panimula niya.

"Akala mo ba ikaw lang yung nahuhulog?" he continued.

"Tere, I was your best friend. I was there at your worst. Yes we were pretending but damn! You're the one who started this sh*t. You're the one who told me to be your boyfriend because you were broke! Bakit? Nagkabalikan na ba kayo nung ex mo? Kaya ba ayaw mo nang ipagpatuloy pa itong relasyon natin?"

I started to cry again. I want to tell him yes, but f*ck am I that heartless?

"Let's just end this Har. Let's go back on being strangers." I coldly said.

"Okay then! That's what you want! Congrats na lang in advance sa future boyfriend mo. Sana di siya matulad sa pinagdadaanan ko." He said then turned around.

He left. It was my fault.

It was all wrong.

I am Terencio Antonio Franco - tere for short - the one and only gay liar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Liar (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon