INBK 4:

3K 76 7
                                    

Chapter 4.

NAALIMPUNGATAN siya sa mainit na dumadampi sa kaniyang mga pisnge. kumunot ang kaniyang noo at kahit na mimigat ang talukap ay pinilit niya pa rin na mag mulat ng mga mata.

Isang nakakasilaw ang sumalubong sa kaniyang kakamulat pa lang na nga mata. pilit niyang sinasanay ang kaniyang nga mata sa nakakasilaw na iyon sa pamamagitan ng pag pikit at mulat ng mga ito at nung masanay na ang mga mata niya doon pa lang niya na laman kung ano at saan nang-gagaling ang nakakasilaw na iyon. ito ay sinag ng pang umagang araw na tumatagos sa isang sliding glass door. Nakahawi Kasi ang nakasabit na kurtina dito kaya malayang nakakapasok ang sinag ng araw.

Kinusot-kusot niya ang mga mata at kunot noong iginala ito sa buong silid na hindi pamilyar sa kaniya.

"Nasaan ako?" Tanong niya sa kaniyang isipan.

Dahan dahan siyang bumangon at agad na nalukot ang kaniyang mukha nang biglang sumigid ang di matatawarang kirot sa kaniyang pagkababae at ganun nalang ang kaniyang pagkagimbal  nang biglang na hulog ang kumot na naka takip sa kaniyang katawan na walang ano mang saplot!

Muntik na siyang mapasigaw Kung di lang may biglang umungol.

Teka! Umungol?

Kasing bilis ng kidlat na siya ay lumingon sa gilid na bahagi ng kama na kaniyang kinauupuan at literal na lumaki ng tatlong beses ang kaniyang mga mata nang isang lalaking nakahiga habang nakatalikod ang kaniyang nakita doon. Mukhang mahimbing itong na tutulog batay sa banayad na pag hinga nito.

Ginapangan siya ng di matatawarang kaba nang makita niya ang kabuuan at ayos nito na tanging kapirasong kumot lamang ang nakatakip sa pribado nitong katawan. kay lakas ng kabog ng kaniyang dibdib na tila ba may gustong kumawala mula doon.

Napa hawak siya ng mahigpit sa kaniyang buhok at pilit na inaalala ang mga nangyare kagabi at tila agos ng tubig na dumaloy sa kaniyang isipan ang lahat. nanlulumo na napa upo ulit siya at halos mai-untog na niya ang kaniyang ulo sa katangahan na nagawa.

Gulong gulo ang kaniyang isipana at hindi alam ang gagawin at napa balik lang siya sa kasalukuyan nang bahagyang gumalaw ang nakatalikod pa rin na lalake. Biglang natauhan ang kaniyang katawang lupa at tila may sariling isip ang kaniyang katawan na patalon na umalis sa kama. kailangan na niyang umalis bago pa tuluyang magising ang estrangherong nakasama niya sa mag damag.

Hindi na niya ininda pa ang kumikirot niyang pagkababae at tanging nasa isipan lang niya ay ang maka-alis sa lugar na ito. tarantang hinagilap niya ang kaniyang mga damit at nakita niya ang mga ito na maayos nang naka tupi sa may sofa.

Pa ika-ika na nilapitan niya ang mga iyon at mabilis na nag bihis. ilang ulit pa siyang nag kakamali sa pag suot ng kaniyang bra dahil sa panginginig ng kaniyang mga kamay at habang nag bibihis panay naman ang kaniyang ginawang pag sulyap sa nakatalikod pa ring lalake sa takot na ito ay magising nalang bigla dahil hindi niya alam kung paano ito haharapin sapagkat wala na siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng mga nangyare.

Matapos niyang mag bihis ay pa ika-ika niyang tinungo ang pintuan. hindi maipinta ang kaniyang mukha dahil sa walang kapantay na pagkirot ng kaniyang pagkababae sa bawat hakbang na ginagawa niya at nang sa wakas ay marating niya ang pintuan walang pag dadalawang isip niya itong binuksan kasabay ng walang lingon likod niyang nilisan ang silid na iyon na naging saksi sa kaniyang katangahan.

---

PARANG LANTANG gulay na nakahilata sa malambot na kama si inday. tulala lang siyang naka titig sa kisame habang may basang tela na naka patong sa kaniyang noo. Kahapon pa siyang nagkakaganito simula nang umuwi siya dito sa mansyon. lagi nalang siyang wala sa sarili at tulalang naka tanaw sa kawalan. hindi pa rin niya matanggap  ang mga nangyare, na ang pinaka-iingatan niyang pagkababae sa mahabang panahon ay ganun-ganun nalang nawala at sa isang estranghero pa! buti sana kung kay spike niya na iwala iyon. matatanggap pa niya.

INDAY NG BUHAY KO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon