INBK 27:

1.9K 44 5
                                    


08-09-2020


Chapter 27.

The final

Him...

"Dude sigurado ka bang ayaw mo talagang pumunta? May pag-asa ka pa naman. Puwede mo pang pigilan ang kasal sa pamamagitan ng pag sigaw ng "Itigil ang kasal!" Siguradong malaking usapin iyon pag nagkataon" Natatawang sabi ni wilder na para bang isang biro lang sa kaniya ang lahat ng ito.

I glared at him wala nga talagang pakialam ang gago kung gaano ako kamiserable at nasasaktan dito. Hindi nalang ako kumibo at muling tinungga ang hawak kong bote ng rum,

Muli siyang natigilan sa pag-aayos sa kaniyang cufflinks, nilingon niya ako at kunot noo na tiningnan.

"Seriously dude? Iyan ba ang agahan mo? Hindi ka ba naaawa sa atay mo niyan? Ilang linggo ka nang puro alak ah!" Naiiling niyang kumpronta sa akin.

"Tss, shut the fuck up!" Galit kong sabi sa kaniya.

"Woaah! Chill! Hindi ako nakikipagaway sa iyo concern lang ako sa atay mong nabubulok na yata, you know what dude? Kahit magpakalunod ka diyan sa alak walang magbabago, ikakasal pa rin siya at lalong hindi na siya babalik pa sa iyo, kaya kung ako sa iyo tigilan mo na 'yan. ang atay mo lang ang pinapahirapan mo sa mga pinag-gagawa mo" Pangaral niya sa akin.

I just glared at him again. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng gagong 'to dito, sa dami ng kaniyang mapupuntahan dito sa condo ko pa talaga niya naisipan na tumambay. para siguro buwesitin ako..

Pumalatak siya bago siya nagpatuloy sa paglilitanya niya. "Kaya ayaw kong mainlove  nakakabuang!" Tila sigurado niyang sabi.

Umismid ako. Sana lang hindi mo kainin 'yang mga sinasabi mo.

Napa buntong hininga nalang siya kalaunan at tuluyan na niyang tinigilang ang pag aayos ng kaniyang sarili sa harap ng salamin at lumapit na siya sa aking kinarorounan.

Umupo siya sa aking kama habang naiiling niya akong tinatanaw dito sa lapag.

"Seryoso dude, ayaw mo na ba talaga siyang makita sa huling pagkakataon?" Muli niyang tanong,

Sa tono ng pananalita niya parang mamamatay na si leigh, ikakasal lang naman siya sa taong mahal niya. Parang may pait na dumaloy sa aking lalamunan sa isiping iyon.

Nag tagis ang aking bagang. "Para sa saan pa? Para mas lalong saktan ang sarili ko? Tapos na ako sa lahat ng ito aalis na rin naman ako bukas" Walang buhay kong sabi habang tulala na naka tanaw sa kawalan.

Naramdaman ko ang marahas na pagtitig niya sa akin,

"What? And where are you going? Bakit hindi mo sinasabi sa amin ang tungkol dito?" Gulat niyang tanong.

"At bakit ko sasabihin? Problema ko ito ayaw ko nang idamay pa kayo dito at isa pa wala din naman kayong maitutulong dahil ako lang ang makakatulong sa sarili ko na makalimot sa lahat ng sakit na dinanas ko dito" Walang gana kong sabi.

Napasinghap naman siya at madramang umungol ng pagrereklamo.

"Wow! Hindi ka naman harsh dude parang hindi mo kami kaibigan kung makapagsalita ka ah! Saan ka ba talaga pupunta?" Pangungulit niya.

INDAY NG BUHAY KO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon