INBK 12:

2.3K 63 8
                                    

Chapter 12.




Warning: SPG!


ANG PALABAS na si manang nena ang aming naabutan pag balik namin ng villa.

"Saan po kayo pupunta manang?" Bahagyang napatalon sa gulat si manang dahil sa biglaang pagsasalita ko.

"Naku naman na bata ka! aatakihin ako sayo eh!--teka! bakit basang basa kayo? hindi ba kayo naka silong man lang?" Gulantang na usisa ni manang matapos niyang makita ang kalagayan namin ni jett na kapwa basang sisiw.

"Hindi po manang. sa may talon pa po kami inabutan ng ulan" ako na ang sumagot dahil parang walang balak na mag salita ang katabi kong si jett.

Panay ang tingin niya sa loob na para bang gusto na niyang pumasok doon kung hindi lang kabastos-bastos ang magiging dating noon kay manang.

Pansin ko rin ang paminsan minsan na panginginig ng kaniyang baba tanda na nilalamig na siya. kahit ako ay ganoon rin ang nararamdaman. nag tatayuan pa nga ang aking mga balahibo dahil sa lamig.

"Ganun ba? Oh sha sige, pumasok na kayo at nang makapagpalit na kayo baka magkasakit pa kayo niyan" ani manang.

Tumango lang kami sa matanda at akmang papasok na nang muli itong mag salita.

"Nga pala hijo. Uuwi muna ako ng maaga ngayon na ihanda ko naman na ang inyong hapunan. umuwi kasi ang anak ko Kaya kailangan ko rin iyon asikasuhin" paalam ni manang.

Nagulat naman ako nang biglang lumapit si jett kay manang.

"Really manang? lileth is here?" Tuwang-tuwa na tanong ni jett habang abot tenga ang pagkakangiti niya.

Tumango naman ang matanda na malawak na rin ang pagkakangiti ngayon.

Bigla kong naikuyom ang aking mga kamao. parang gusto kong manakal ng wala sa oras.

"Oo hijo. Sa katunayan pumunta iyon kanina dito at hinahanap ka Kaya lang sabi ko na pumunta nga kayo sa broken falls. balak pa nga niya na sundan kayo doon ang kaso bigla namang umulan." Pagkukwento ni manang.

Hindi lang kamao ko ang nakakuyom ngayon dahil maging ang bagang ko ay nag tatagis na rin sa pagka-irita na hindi ko alam kung para saan.

Ramdam ko ang biglang pagkirot ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang masayang bukas ng mukha ni jett at parang hindi matanggap ng aking sistema na ibang babae ang dahilan kung bakit ganiyan siya kasaya.

Lileth... pangalan pa lang parang gusto ko nang sambunutan grrr!!

***

"Hey! Are you okay? kanina ka pa tahimik diyan" untag ni jett sa pananahimik ko.

Mula kasi nang maka alis si manang at nung makapasok kami hanggang ngayon na kumakain na kami ay naging tahimik na ako. Parang nawalan ako ng gana mula pa kanina. maging ang pagkain na nasa aking pinggan ay hindi ko pinagtuunan ng pansin at halos pag laruan nalang ito.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya at ang nanunuri niyang tingin ang sumalubong sa akin. Agad din naman akong nag baba ng tingin nang hindi ko matagalan ang mga mata niyang kung tumitig ay parang tagos hanggang sa aking kaluluwa.

"Wala ayos lang ako"

Matamlay kong sagot na hindi na nag abalang tingnan siya.

"Are you sure? You don't look okay to me" pangungulit niya.

Bigla namang bumalik ang inis na naramdaman ko pa lang kanina kaya nanahimik nalang ako at baka kung ano pa ang masabi ko.

Narinig ko ang tunog ng pag bagsak ng kutsara maging ang nanunusok niyang titig ay ramdam ko.

INDAY NG BUHAY KO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon