INBK 6:

2.6K 69 8
                                    

Chapter 6.

"Yes it's me, now get your fucking ass out of my car" matigas nitong sabi.

Nag bukas-sara ang kaniyang bibig pero walang lumabas ni-isang salita doon. Ayon na naman kasi ang berde nitong mga mata na nanunuot hanggang sa kaniyang kaluluwa kung tumitig.

Na udlot lang ang pagtitigan nilang iyon nang biglang may kumatok sa bintana nitong sasakyan at napamulagat siya nang makita niya doon ang mga lalaking humahabol sa kaniya.

Na hampas niya ng malakas ang lalaking kaharap. "Alis na tayo dali!" taranta niyang utos sa lalake habang nasa mga kumakatok ang kaniyang atensyon.

"And who are you to tell me what to do? I'm not your servant!" Galit nitong bulyaw sa kaniya.

Napa tingin ulit siya dito at agad niyang nasalubong ang nanlilisik nitong mga mata. Saglit pa siyang natigilan nang makasalubong na naman niya ng tingin ang nakakabighani nitong mga mata.

Tiningnan niya ito ng may pagmamakaawa.

"Utang na loob umalis na tayo please! hindi ako bubuhayin ng mga iyan kapag na huli nila ako" pagmamakaawa niya dito.

Umismid lang ito.

"I don't fucking care, labas!" Matigas nitong sabi.

Napa tingin siya sa mga lalaking nasa labas na lumalakas na ang pag katok ng mga ito.

Bumaling ulit siya ng tingin sa lalaking nasa harap niya na hanggang ngayon ay di pa rin niya alam ang pangalan.

"Sige na kuya! tulungan mo akong maka-alis dito" pag pupumilit niya.

"Don't call me a brother cause You are not my sister" masungit nitong sabi.

Ang taray ng lolo niyo!

At paano niya naman kaya ito tatawagin sa pangalan nito kung di niya nga alam Kung ano ang pangalan nito? Maliban sa kaibigan ito ni spike ay wala na siyang alam tungkol dito.

" Sige naman na oh! hindi ka ba maaawa sa akin? pag na huli nila ako pag sasamantalahan nila ang sexy at batambata kong katawan! ikaw rin Hindi ka patutulugin ng konsensya mo" pangungunsensya niya dito.

Tinaasan siya nito ng kilay.

"Sexy? Where? bakit di ko yata makita?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito habang hinahagod nito ng tingin ang kaniyang katawan.

Napa simangot siya sa sinabi nito.

"Ang sama mo! Babayaran naman kita eh! Basta wag lang ang pagkababae ko Wala ka namang mapapala dito dahil di na ito virgi--eerrr-- basta! kahit anong gusto mo susundin ko Basta alisin mo lang ako dito" na mumula ang kaniyang mukha habang sinasabi iyon.

Muntik na nga niyang matampal ang kaniyang bibig sa kaniyang pinagsasabi.

Saglit itong natigilan na tila ba pinag-iisipan pa nito ang inooffer niya.

"Fine! I'll help you to get out of here but in one condition" kapagkuway naka ngisi na nitong sabi.

Bigla naman siyang kinabahan, bakit parang gusto na niyang pagsisishan ang kaniyang mga sinabi?

"Ano yun?"

Kay lakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang hinihintay niya ang sasabihin nito.

"Be my maid and I'll help you" walang pag aalinlangan nitong sabi

Napa nganga siya sa gulat. hindi agad naproseso ng kaniyang utak ang sinabi nito.

"What the hell are you talking about?" Wala sa sarili niyang bulalas.

INDAY NG BUHAY KO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon