Makalipas ang dalawang buwan hindi matigil sa pagkaîn si Czariyah kaya tumaba ito lalo kaya iniaasar lagi ito ni Lucien. At dahil sensitibo ito ay umiiyak ito sa simpleng biro. Pero gustong gusto naman ni Lucien dahil parang nalalaman na niya ang mangyayari sa mga susunod na araw. Baka bigla nalang mawala sakanya si Czariyah at kunin ng lalaking 'yon. Gusto niyang ipaglaban si Czariyah pero baka mali ang ipaglaban siya at matalo lamang siya sa huli.
"Hey, stop crying I'm just teasing you. Parte naman ng pagbubuntis ang pagiging mataba, pero meron namang mga kahit buntis ay sexy parin. Hindi tulad ng iba diyan." Sabi ni Lucien na may pang-asar sa dulo na ikinamura naman ni Czariyah.
"Tang-ina mo Lucien, huhu." Umiiyak na sabi ni Czariyah sabay bugbog kay Lucien.
"Okay I'll stop now, it's bad for the baby. Stop crying." Niyakap niya ito saka pinunasan ang mga luha nito gamit ang hinlalaki ng kaniyang mga daliri.
"Ikaw naman kasi, e masarap kasing kumain e. Tsupi ka nga muna gusto ko pang kumain." Sabi nito at muling kumain.
Napailing nalang si Lucien saka iniwan muna ito saka sinagot ang tawag ng kuya niya na tumunog nang maiwan niya si Czariyah na kumakain.
SA KABILANG BANDA nakaupo si Sebastian sa office nito na parang hari ng buong mundo habang inaantay ang balita tungkol sa babae niya dahil kukunin niya ito pag may pagkakataon siya.
Tinawag niya ang kaniyang sekretarya ng nainip siya at tinanong dito kung ano ang mga appointment niya sa mga walang kwentang tao na gustong makipag business partner sakanya. Nang marinig lahat niya kung sino ang mga ito ipina cancel lahat niya ito, magrereklamo pa sana ang kaniyang sekretarya pero agad itong tumiklop dahil natatakot itong masisante.
Hindi niya kailangan ang taong 'yan dahil may mas malakas na kinakapitan ang kompanya niya na sakanya din. Pero ang ama niya ang namamahala no'n kasama ang kaniyang ina.
Napaangat ang tingin niya matapos tignan ang mga papeles na kung saan nandoon ang sales.
"Ano nang balita sakanya? Siguraduhin mong matutuwa ako sa balitang nakuha mo, kung hindi tiyak na mamatay ka ngayon sa harapan ko." Banta niya dito. Na ikinangisi niya dito.
"She's getting fat and her stomach getting bigger too. Thanks to Mr. Androweist he's taking a good care for your girl. And I think they will go to OB to know what is the gender of her baby. 'Yon lang po ang balita ko at ipagpaumanhin nyo po sana na kailangan ko na po munang umalis." Sabi nito sakanya na ikinatango niya lang kaya umalis na ito.
Napangiti nalang si Sebastian sa nasagap niyang balita sa private investigator na ito. Di nito alam kung paano nito nagagawa ang misyon nito pero hindi nalang iyon ang inisip niya, ang nsa isip na niya lang ay paano niya makukuha ang mag-ina niya sa mabuting paraan. Oo masama siyang tao pero ayaw niyang maging masama sa harap ng kaniyang mag-ina. Pero kung hindi ito papayag na sumama sakanya, tiyak na siya'y magagalit at sa pilitang kukunin ang dalawa.
Tinawagan niya nalang ang nag-iisang niyang kaibigan na si Brike. Hihingi siya ng tulong dito babaero 'to kaya alam nito kung ano ang magagandang sabihin para sumang-ayon ang mga babae.

BINABASA MO ANG
Baby
Ficção GeralSHE just want a baby on that night, but after they did it that night HE wants her forever.