Chapter Six

610 16 1
                                    

Chapter 6

“Ameila!” bigla akong kinabahan nang marinig ang galit na galit na boses ni Mommy.

“Mommy-”

Naputol ang aking sasabihin nang sinalubong niya ng napakalakas na sampal ang aking mukha.

“Wala ka na talagang ibang ginawa na maganda! Talaga bang pinapahiya mo kami ha?” bulyaw nito sa akin.

Napahawak ako sa aking mukha sa sobrang sakit, “Mommy ano na naman ba ang ginawa ko?” umiiyak na saad ko rito.

“Bakit mo pinahiya si Allyson ha?”

Napangiti ako ng bahagya nang marinig ang rason ng ikinagagalit niya.

“Wow naman, gan’yan ka po pala magalala? Mabuti pa ‘yong ibang tao nakukuha ang sympatya mo. Ako kaya, kailan ko mararamdaman na nagaalala ka rin para sa akin!” lumuluhang saad ko rito.

“Tignan mo, wala ka talagang modo at lagi mo na lang akong sinasagot!”

Napahagulgol na lang ako sa sobrang sakit ng aking nararamdaman.

“Mommy wala ka sa pinangyarihan, ako ‘yong biktima rito ako ‘yong pinahiya pero may tumulong lang sa akin.” umiiyak na saad ko rito.

“Hindi na kita maintindihan Ameila, sa susunod na linggo ipapadala na talaga kita sa states!” deklara nito.

“Sige subukan niyo, tignan lang natin kung kakayanin niyo ‘yong makikita niyo.” banta ko sa kan’ya.

Pero imbis na pakinggan ako, nagtuloy-tuloy lang ito sa paglabas ng kuwarto. Bakit ba lagi na lang ganito? Lagi na lang ako ‘yong masama sa mata nila Mommy at Daddy.

Ayaw kong ipadala nila ako sa states, agad akong umakyat sa loob ng aking silid ta ni-lock iyon. Lagi na lang ganito, laging ibang tao na lang ang kanilang kinakampihan. Siguro ganoon ako ka walang halaga sa kanila, para saan pa ang buhay ko kung sila mismo ayaw sa akin?

Agad kong kinuha ang aking diary, umupo ako sa aking study table at inisip ang mga bagay na ginawa nila sa akin. Pagod na pagod na akong maging matapang, hindi ko na kaya. Nakatitig lang ako sa diary na nasa harap ko, punong-puno na ito ng luha.

"Anak? Amaeila si Nanay Karing 'to, buksan mo naman 'tong pinto oh. Kakausapin sana kita," saad ni Nanay Karing habang kumakatok.

"Ayaw ko! Iwan niyo muna ako, gusto ko mapag-isa." umiiyak na sagot ko rito.

"Pero anak mas gagaan ang pakiramdam mo kung kakausapin mo ako, anak nandito si Nanay handa ako makinig sa mga problema mo." pamimilit nito upang buksan ang aking pinto.

"I said, leave me alone!" sigaw ko rito at tinapon ang aking diary sa pinto.

"S-sige, basta nandito lang ako ha."

Mas lalo akong naiyak nang marinig na nabasag ang boses ni Nanay Karing. Pasensya na Nay, ayaw ko lang talaga ng may kakausap sa akin ngayon.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa kakaiyak, nagising na lang ako nang may marinig akong sigawan at iyakan sa labas ng aking kuwarto.

"Lumayas ka rito! Ang kapal ng mukha mo,  pinakain ka namin at tinulungan tapos nanakawan mo kami? Umalis ka na rito!" galit na galit na sigaw ni Mommy.

Hindi pa sana ako aalis, baka kasi may kausap lang siya sa phone. Pero nanlaki ang aking mata sa aking narinig...

"Ma'am hindi po ako ang nagnakaw, maawa kayo. Ang tagal ko na po nagtatrabaho sa inyo hindi ko po 'yon magagawa, maawa kayo ma'am." pagmamakaawa ni Nanay Karing.

The Glowing Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon