Chapter 3

114 2 0
                                    

Angel Kathryn’s POV

Limang araw na ang nakakalipas… Simula nang matapos ang lahat….

Limang araw na din akong hindi pumapasok..

Limang araw na akong di nagpaparamdam sakanila..

Alam na ng mga magulang ko at ng kuya ko ang nangyari…

Galit sila…

Galit din ako…

2 lalaki lang ang pagkakatiwalaan ko sa buhay ko…

Ang Kuya ko at ang Papa ko…

Bukod sakanila lahat na siguro ng mga lalaki manloloko…

GALIT AKO SAKANILA.

Ilang araw na ding tumatawag ang mga kaibigan ko. Madaming text msgs na din ang natatanggap ko mula sa kanila. Tinatanong nila kung anung nangyari at kung ano daw ang maitutulong nila… pero hindi ko sila pinapansin.. siguro nga kailangan ko ng pumasok.. nasasaktan pa din ako pero kailangan kong mag aral para masuklian ang mga ginawa ng mga magulang ko sakin..

Nag-ayos ako at pumasok na..

Pagkapasok na pagkapasok ko may tumawag sakin.

“Gel!” boses nila yan panigurado.

Nilingon ko lang sila pero di ako nagsasalita nakatitig lang ako sakanila..

Naglakad sila pero sumunod lang ako ng hindi umiimik tahimik din sila…

End of Angel Kathryn’s POV

Nadine’s POV

Nakita namin si Gel tinawag naming sya.. Lumingon lang sya pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig nya? Hala!!!!!!!!!!!! Naputulan ba sya ng dila? Hayss. Di ko magawang makapagbiro sa mga ganitong sitwasyon. Weh? Di nga? Anu ba tong ginagawa ko? Tss! Seryoso na nga.. Ano ba kasing nangyari bat parang napakacold ng titig samin ni Gel? Lungkot at galit lang ang nakikita ko.. Parang hindi na sya yung kilala ko/namin dati na masiyahin at puro kasiyahan ang makikita mo sa mga mata?

Mahirap man isipin pero kahit di namin alam ang dahilan. Tingnan mo lang sya alam mong nasasaktan na sya…

“Gel, kaibigan mo kame. Handa ka naman naming damayan eh. Nandito lang kami para sayo. Ano ba kasi ang nangyari? Limang araw kang hindi pumasok. Nag-aalala kame sayo. Di mo man lang sinasagot ang mga tawag ang text namin.” Iya

“Oo nga Gel, Sabihin mo naman samin oh? Para san pa ang pagkakaibigan natin kung hindi mo man lang sasabihin ang problema mo.” Ysa

Ngayon lang kame naging seryosong lahat sa pag-uusap.

“Oo nga.” Sabi ko

Palakpakan nyo ko haba nang sinabi ko. Shhh. Wag kayung magulo >_< seryoso kaya yung nangyayari tsk tsk!!

“Nakipagbreak sya sakin.” Gel

(.OO) (.OO) (.OO)    (--.)

Nagulat kaming lahat sa sinabi nya.. Nagtataka din sila panigurado. Ang tagal na nila. Wala naman silang problema yun ang alam namin at yun din ang sinasabi ni Gel. Alam din naming mahal na mahal sya ni Kurt. Pero anung nangyari?!!!!!!!! Susugudin ko yung Kurt nayun!

“Bakit?!” sabay sabay naming tanong.

“Walang sinabi. Matagal nya na daw pinag-isipan.” Gel

Nakikita ko sa mga mata nya na nangingilid na ang mga luha nya sa gilid ng mga mata nya pero halatang pinipigilan nya.

“Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Wag mong lokohin yung sarili mo na hindi ka iiyak kasi halatang halata Gel! Saka sige ka lalabo mata mo nyan tsk!” ako. Hehehe.

Umiyak sya. Parang batang umiiyak dahil inagawan ng lollipop. Parang batang umiiyak dahil nadapa. Oo nadapa sya dahil sa pag-ibig sa sobrang pagkahulog nya sa taong sinalo sya pero bibitawan din pala sya. Para syang batang umiiyak dahil iniwan ng magulang sa isang kamag-anak. Iniwan sya ng taong mahal nya sa mga kaibigan nya iniwan sya ni Kurt samin na hindi namin alam ang dahilan. Naaawa ako kay Gel, ngayun ko lang syang nakitang ganyan. Ngayun lang..

“Lahat sila manloloko! Walang kwenta ang pagmamahal nayan! Pare-pareho lang sila! Kung itatanong nyo sa akin kung ano ang love? Ang love…. Ano nga ba ang love?!...

What is love?

Para lang yan sa mga taong nagsasayang ng oras

Para lang yan sa mga taong nagpapakatanga

Para lang yan sa mga taong umaasa

At para lang sa mga taong PAASA

LOVE?

Sa una papasayahin ka

Pero sa huli magmumukha ka lang ring TANGA

Umasa sa mga pangako nya

Na di mo alam ay mapapako din pala…

Walang kwenta!” Gel

Niyakap namin sya.

“Nandito lang kami Gel para sayo, di ka namin iiwan. Tandaan mo yan.” Iya

“Kami yung handang umalalay sayo palagi. Magpakatatag ka.” Ysa

“Kami yung magpapatawa sayo esto ako lang pala korny yang dalawa nayan eh!!” ako

“Manahimik ka nga!!!!” Iya at Ysa.

Yung totoo? May galit ba tong dalawa nato sakin? :-/ Pero sabagay baka naiinggit sila maganda ako eh hehe.

Di na umimik si Gel.

End of Nadine’s POV

Angel Kathryn’s POV

Tama sila, nandyan sila para sakin..

Pero anong gagawin ko itong puso ko nagdudugo pa rin sa sobrang sakit..

Kung pagpapakamatay lang ang solusyon gagawin ko…

Pero paano naman sila? Maaapektuhan sila..

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito..

Pero hangga’t kaya ko paninindigan ko…

Ang pagiging..

MAN HATER KO!

------------------------------------------------------------------- 

Keep on supporting my story! thanks 

Vote, Comment and Become a Fan

Follow me on twitter: @MncGrc16

~SuperMonica16

The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon