Chapter 7

90 3 3
                                    

Chapter 7

Gel’s POV

Its been a month nung nakipagbreak sakin si Kurt. Masakit pa rin, sino ba namang di masasaktan pag ganun ang nangyari, dibale nalang kung di mo naman sineryoso yung naging relasyon niyo. Pero minsan may mga taong akala mo Masaya pero hindi naman talaga. Para lang maipakita na ayos sila, pero deep inside sobrang sakit. Yun ang hindi ko kaya, ang magpanggap na Masaya kahit hindi naman talaga. Naaalala ko na naman ang nangyari last week

Flashback…

Naglalakad akong mag isa pag-uwi

“Iloveyou Babe.” Boses ng isang babae

Lumingon ako at nakita ko siya..

Siya.. na naging mundo ko, na naging buhay ko, na nagpasaya sakin sa mahabang panahon. Na ang dahilan kung bakit din ako nagkakaganito ngayun. Si Kurt Harris Mendoza…

Kitang kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.. Siguro ay dahil sa babaeng kasama niya. Ano ang nakita niya sa kanya na wala sakin…

“Iloveyoutoo Babe!” Hinalikan niya pa yung babae sa pisngi.

Shet! Ang sakit sakit. Ayoko na! Gusto ko nang sumuko para hindi ko na maramdaman tong sakit na nararamdaman ko. Sana… sana ako nalang siya….

At lumakad na nga sila ng may nakapintang saya sa kanilang mga mukha.

End of Flashback…

Nakwento ko na din sakanila yung nakita ko, sinabi nila na magpakatatag ako kahit anong mangyari. Nakikipag-usap na din ako sakanila, hindi na katulad ng dati na nakatulala lang ako at di nagsasalita. Pero sabi nila sakin kahit di ko daw aminin sakanila nakikita daw nila yung lungkot at galit sa mga mata ko. Oo galit ako kasi sa kabila ng lahat iiwan niya din pala ako. Akala ko iba siya…

“Oy oy oy!!!!” Nadine

“Ano nanaman?!” Ysa at Iya

Napangiti na lang ako sakanilang tatlo, palagi silang ganyan.

“Alam nyo yung Make Dough???” Nadine

“Ano?” pagsakay naman nung dalawa sa tanung ni Nadine

“Yun yung kalaban ng Jollibee MakeDough. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!” Nadine

“Tsk! Corny! Wahahahaha, pero sige na nga natawa talaga ko eh hihihihi.” Ysa

“Kayong tatlo talaga…” ako

“Maganda? Come on Gel, alam na namin yun matagal na! High five!” Nadine

Walang nakipag-apir kay Nadine

“Hahahahahaha!! Pahiyaaaaaaaaaaaaa!” Ysa

(.--)          (^^.) (~~.) (~~.)

Nadine    Ysa   Iya    Ako

“Heeeeee! Epal ka! Epal ka!! Hmp!” Nadine

Hay nako. Sabagay ako din parang bata, palaging umiiyak…

“Hi Patrick!” Ysa

Oo nga pala, sa nakalipas na isang buwan naging kaclose nila si Patrick. Kung ako tatanungin nyo mabaet naman siya, gwapo na mayaman pa pero kasi lahat naman ganyan sa una ang magagandang side nila mapapansin mo or sabihin na nating dahil dun mapapamahal sila sa atin pero iiwan din naman tayo. Papaasahin sa wala sa mga pinangakong HABAMBUHAY, INFINITY o FOREVER. Pero minsan nakausap ko na din siya.

Flashback…

“Uy Angel.” Sa lahat ng nakilala ko siya lang ang tumawag sakin ng Angel, yung iba kasi sa una lang Angel tapos pag nalaman na nickname ko ay Gel yun na ang tawag sakin.

“Hmm?”

“Uhmm,ano kasi.. Ayts, wag na nga lang.”

“Ano nga yun?”

“Ahh kasi baka mabadtrip ka eh. Wag nalang.”

“Tsk, badtrip na ko eh ayaw mo pa kasi sabihin. Dali na.”

“Uhm kasi, yung bang dahilan ng pagkagalit mo sa mga lalaki dahil sa uhmm sa break up niyo ni uhmmmm ni K-Kurt?”

Nagulat ako dun sa tanong niya, kaya siguro sabi niya magagalit daw ako.

“Oo, kasi ang alam ko siya na eh. KAMI na, pero di pala. Di ko alam kung bakit lahat kayong lalaki nadamay sa galit ko. Kasi nasa isip ko pare-pareho lang kayo. Alam ko masyadong walang kwenta yung dahilan ko pero wala naman kasi kayong magagawa. Galit ako nasasaktan ako nalulungkot ako. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko.”

“Ahhh. Eh pano pag may nagkagusto o nagmahal sayo?”

“Hindi ko alam, sa ngayun ayaw ko muna. Baka masaktan lang ulit ako.”

End of flashback…

“Uy Gel! Nakatulala ka dyan?” Nadine

“H-ha?” nagulat ako

“Tsk! May malalim na iniisip. Yieeeeeeeee!”

Nagpout lang ako sakanila. Alam nila na ayaw ko sa mga ganyang bagay ngayun kaya tumigil na sila.

“Hi Angel! Sama ka manood ng game namin? Sasama daw sila.” Patrick. Sabay turo kila Ysa

“Ehhhhh?”

“Ops! Bawal umangal! Sasama ka sa ayaw mo’t sa hindi.” Ysa.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello! :D Anu kayang mangyayari sa panonood nila ng basketball game ? 

ABANGAN! :D

Vote

Comment

and

Become a FAN

Follow me on twitter: MncGrc16

~SuperMonica16

The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon