Chapter {2} Demion Academy

7.9K 171 0
                                    



Naalimpungatan ako nung bigla nalang may yumugog sakin.

"What the heck!! Leave me alone, i'm sleeping"sabi ko.

"Were here, Roxell" napamulat agad ako nung marinig ko ang boses ni Grandpa. Nakatulog pala ako.

Umayos ako ng upo tsaka tumingin sa paligid. Napaka dlimin ng paligit at isang Gigantic walls ang nakikita ko sa harapan ng sasakyan. At may malaking arch pa

"Hmm? 'Demion Academy' nandito na nga tayo" sabi ko sa sarili ko. Bumaba na si Grandpa kaya sumunod naman akos a kanya. Kinuha nung driver lahat ng Gamit ko.

Lumapit kami doon sa malaking Gate at may pinindot lang si Grandpa doon sa phone niya then nagbukas na yung Gate...awsome. New device ba yun? Bakit hindi pa ako nagkakaron nun?

"Tara na" sabi ni Grandpa. Sumunod ako sa kanya habang ako ay nakatingin sa paligid.

Parang isang tunnel to tapos simpleng ilaw lang ang nagbibigay liwanag. Sa laki ng walls na yun eto lang talaga yung dadaanan namin? Tunnel na halos wala nang pumapasok na hangin.

May binigay si Gandpa sakin na tela tapos sumenyas siya na 'blindfolds on'

Hindi na ako nagtanong pa at sinunod nalang siya. Ngayon completely Dark na ang paningin ko kya inalalayan na ako ni  Grandpa.

Mga ten minutes lang din kaming nag lalakad hanggang sa makaramdam na ulit ako ng hangin sa balat ko.

"Can i take this off now? Nasisira na kasi yung Mascara ko" sabi ko.

"Yes you may" sabi ni Grandpa kaya dahan dahan ko nang inalis yung blindfold ko.

Namangha agad ako sa nakita ko. Ang laki ng school at ang gaganda ng style. Parang modern houses lang yung class rooms tapos pra kang nasa Makalumang mundo at the same time dahil sa itsura ng mga buildings. Hanggang third floor ang iba at kulay simento lang talaga.

"Tara na, Roxell" tumungo ako kay Grandpa tsaka sumunod sa kanya. Umakyat kami sa pangatlong palapag ng building at may sumalubong naman saming dalawang lalaki na naka Damit pang ewan...peeo muka silang katulog.

"Welcome back po Sir Anton" sabi nila tsaka tumungo kay Grandpa. Iba ang Mafia grabe...

Tinunguhan sin nila ako at kinuha naman sa Driver namin ang mga gamit"And who the hell told you to touch my things?" Sabi ko.

"Inutusan po kami ni Dean na dalhin to sa Kwarto niyo" sabi nung isa sabay tungo.

"Make sure na wala kayong balak gawin sa mga gamit ko kung ayaw niyong mabura sa mundo ng maaga!" Sabi ko.

"Sige na dalhin niyo na ang mga gamit niya sa kwarto" sabi ni Grandpa. Yumuko sila tsaka umalis.

Sumunod nalang ako kay Grandpa na pumasok sa isang kwarto na may Double door. Sumalubong sakin ang malaking kwarto at walang ibang nandito kundi office table, isang sofa sa gilit at isang office chair.

Pinagbantay muna ni Grandpa sa labas yung driver namin at niyaya naman akong umupo sa sofa.

"Oh Mr. Anton, nandito na pala kayo" sabi ng isang matandang babae at nakipag kamay pa kay Grandpa tsaka lumapit sakin. "Siya na ba?"

Tumungo naman si Grandpa sa kanya "yes, she is"

"Ang laki na niya, parang dati eh tatakbo sa siya sakin para isumbong ang mga pasaway na bata" sabi niya habang hinahaplos ang muka ko.

Demion Academy (School of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon