Chapter {18} Sleeping Together

5.5K 129 1
                                    


Roxell's Pov

Agad din akong nakalabas ng clinic dahil mabilis lang naman talaga akong gumaling. Nanatili ako buong araw sa kwarto at iniisip parin yung BuLLSHeaD gang na yun.

Hindi ko pa nakikita si jet ngayon dahil busy daw sa pag r-review hindi ko parin nakikita buong araw si Drex na kasama nila zean lagi at hangat kaya kong iwasan siya ay iiwasan ko.

Pwede siyang madamay sa plano ko, at kasama narin sa reasons ko yung halik na nangyari samin...psjidnkisnis

by the way Speaking of review. Hindi pa ako nakakapag review manlang sabi ni Gab exam na bukas.

Kinuha ko ang isang libro ko at ibang notes ysaka nag review ng tahimik. Hindi pa ako nakaka kalahati sa binabasa ko ng may kumayok sa pinto na akala mo nasa gitna ng fiesta para gawinh drum ang pinto ko,

"Roxell! Open this dooor!" Napabangon naman ako agad dahil boses ni mia yun. Pag bukas ko nandito si Xeji, Zean, David, Akhiela at Mia na may dala dala na notebooks at papel.

"Don't tell me dito kayo mag r-review?" Hindi na aila nag salita at pumasok nalang sa kwarto ko. Gosh ang ganda ng hapon ko pramis.

Pumwesto sila ng paikot at nag usap usap para sa exam. Mukang hindi pa nila ako isasali ah?

isasarado ko na sana ang pinto ng–

"Gab!" Nakita ko na nakatok si Drex sa pinto ni Gab.

"Gabriella, someone is looking for you" matamlay na sabi ko at iniwan nalang bukas ang pinto. Kinuha ko ang notes ko sa kama tsaka pumwesto sa terrace at dun ako nag review.

"Hay nako gamit namin ang nga notse namin kaya dito ka nalang mag review" rinig kong sabi ni Gab. Alam kong si Drex ang kausap niya. This is the first time na papasok si Drex sa kwarto ko.

Nakapaaok na dito sila David, xeji, at zean kahapon dahil hinatid nila ako.

Binalik ko nalang ang focus ko sa pagbabasa at hindi pa ako nakakapag simula nung buila nalang may kumuha ng notse ko. Si xeji pala. Sinamaan ko siya ng tingin peeo bago ko pa makuha sa kanya ang notebook ko hinagis niya yun kay Drex.

"Putcha ka xeji!" Sabi ni David. Agad kong tinapakan ang paa niya kaya napatungo siya at inangat ko naman ang tuhod ko kaya double kill ang nagyari. Tumama yung baba niya sa tuhod ko kaya napaupo nalang siya sa sahig.

"Hayup Roxell, sumali kana lang dito. Baka sakaling may matutunan pa kami sa talino mo kahit papano" sabi ni Akhiela at hinila ako paupo sa sahig.

Binigay sakin ni Drex ang notebook ko tsaka umupo sa tabi ni David. Nag simula kami sa pag r-review at ang galing nila mag review swear to god. Si Mia ang lakad mag basa, si Akhiela may earphone si Gab naman ay nakain ng chocolate si Zean at Xeji ay hindi naman talaga nag babasa kundi pinagt-tripan ang moments na naalala nila nung oras na sinusulat nila ang notes nila.

Si david naman ay nag d-drawing lahat habang si Drex ay ibang libro ang binabasa. Minsan parang ayokong maniwala na nasa rankings ang mga to eh.

Tumayo na ako at sinuot ang sapatos ko. I can't focus dahil sa kanila, lahat sila nakaka distract. Kinuha ko kaagad ang notebook ko at nilagay sa maliit na bag ko kasama ng iba ko pang mga notebook.

"San ka punta?" Tanong ni Mia kaya napatingin silang lahat sakin except kay Drex.

"Somewhere knows the word 'peace and Quiet' bye" tsaka ako lumabas sa kwarto at dumiretso sa park. At this time nag hanap na ako ng ibang bahagi ng park na pwede kong tambayan.

Demion Academy (School of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon