Chapter 1

71 1 0
                                    

Shaina's POV

Pumasok na kami sa bahay ni Stacey galing sa Photoshoot namin . Baka po akalain niyong mayaman kami para po sa impormasyon ng lahat hindi po kami kumuha ng scholarship kaya kami na po ang nagpapa-aral sa mga sarili namin .

Gusto niyo bang malaman ang buhay naming siyam ? Sige , iku-kwento ko sa inyo

Ten years ago ng masunog ang bahay ampunan na tinutuluyan namin . Hindi lang kami ang nandon marami kami , as in . Sa sunog na yon namatay lahat ng guardian namin at simula non namuhay na kaming siyam na kami kami lang . Bahay ampunan so ang ibig sabihin ay iniwan kami ng mga magulang namin . Hindi namin alam kung sino ang mga nanay at tatay namin , kung may kapatid ba kami o wala .

Hindi kami kumukuha ng scholarship noon pa man dahil gusto naming mapatunayan sa mga sarili namin na kaya namin kahit wala ang tulong ng iba .

Yun ang story ng buhay namin . Ngayon nasa isang apartment kami . Malaking apartment na parang bahay na rin . Basta inuupahan namin siya . Tatlo ang kwarto tapos may sala , kusina at may banyo pa . Kaya may kamahalan din ang bayad namin dito . Kaya nga nagpupursigi kaming lahat .

Sa unang kwarto magkasama si Stacey , Trisha at Tracey . Sa pangalawang kwarto naman ako , si Yesha at Yumiko then sa pangatlong kwarto sina Steffany , Hazel at Janna .

Pinuntahan ko si Janna na nagsusulat sa sala . Yung iba siguro wala pa or nasa kwarto . Sinusulat ni Janna yung mga kailangan namin for this school year . 2nd year college na ako pati si Yesha at Yumi . Si Stacey , Trisha at Tracey 1st year college palang then yung iba 3rd year na .

Oh siya , tutulong muna ako sa paglilista .

Clyde's POV

"San ka galing ?"

"Jan lang sa coffee shop ." Umupo na ako sa couch pagdating sa mansyon namin .

"Asan Kuya mo ? Di mo kasama ?" Tumingin ako kay Dominic .

"Obvious ba ? Baka kasama ko . Edi sana andito yun ." Sabi ko sa kanya . Common sense naman diba ?

Hinahanap niya yung Kuya ko si Kirby , isa din sa tropa namin . Wala pa kasi si Kuya dito sa mansyon . Baka kasama si Xander at yung kambal isama mo pa si Trav .

"Uyy , bumili na kayo ng gamit para sa school . Litsi papagalitan nanaman tayo ni Tito ." Sabi ni Blake .

"Yang tatay niyo kasi ni Kirby ang strikto eh noh ?" Sabi ni Shawn .

"Bakit kasi nagtayo pa kayo ng school ?" Sabi naman si Seth .

"Edi itanong niyo sa tatay namin . Mga ulul ." Sabi ko . Kung makapagsalita naman kasi akala mo hindi sila libre ng tuition .

"Yow , yow , yow !" Napatingin kami sa pinto at ayun na sina Kuya .

Dumiretso sila sa kusina at pinaayos yung mga dala nilang pagkain . May mga yaya naman kasi dito sa mansyon naming 12 . Oo namin . Pinatayo ng mga tatay namin since close silang lahat dahil sa business .

Si Kuya , Xander at yung kambal 3rd year college na . Sina Shawn , Blake , Charles at ako 2nd year . Sina Dominic , Travis , Kyle at Seth 1st year palang . Nakakaasiwa nga . Sakit sa ulo . Bakit di pa kasi kami ginawang kambal ni Kuya -__-

========

Vote , Comment and Share !

-Lyahealah

When The Bad Boys Meets The Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon