Chapter 9

14 0 0
                                    

Steffany's POV

Tapos na ang first period at papunta na kami ngayon sa room namin para sa 2nd period . Kanina sa mga kaklase namin sa 1st period , parang lahat naawa samin dahil nagalit samin yung apat na BadBoys daw . Sana nga hindi namin sila maging kaklase this period .

Umupo kami sa bandang gitna , konti palang yung tao sa room .

"Sana , hindi na natin maging kaklase yung mga lalaki . Nakakatakot eh ." Sabi ni Hazel . Sang-ayon naman kami ni Janna .

"Kyaaaaah ! Anjan na sila !" sigaw nung mga babae sa labas . Di nalang namin pinansin dahil wala naman kaming interes doon .

"Tch . Anjan nanaman yung barkada ng kuya ni Drake ." Sabi nung mga lalaki sa likod .

"Wag mo na kasing pansinin . Buti nga hindi sumasama jan si Drake ." Sabi pa nung isa .

"Kyaaaa ! Twin L ! We love you !" May pumasok naman na --

"Patay ." Yung apat na lalaki kanina . Nako , minamalas ata kami ngayong araw ah ?

"Fvck ! Pwede ba itigil niyo yang pag-sigaw niyo ?!" Sigaw nung matangjad sakanila . Natahimik naman agad ang buong room . Lahat pala nung babae sa labas eh kaklase namin .

Buti na lang at malayo yung in-upuan nila samin kaya medyo naka-hinga kami ng maluwag .

Sana lang mag-bell na kaagad . Di namin feel yung awra kapag kaklase namin yung Bad Boys .

Yumiko's POV

Patapos na ang second period . Nagka-iba iba kami ng schedule kaya wala akong kausap . Ayaw kasi akong kausapin nung mga kaklase ko .

Kaklase ko naman yung dalawang bumangga samin kanina ang masama pa jan ay katabi ko sila . Kami na kasi ang kahuli-huli-hang pumasok . Pinagkaka-gulohan nga sila kanina eh kaya masama tingin sakin nung mga kaklase ko .

Si Annika at Alliah kaklase nila si Yesha habang kami naman ni Shaina walang kasama .

Nag-bell na kaya agad kong inayos yung gamit ko at lumabas na ng room . Ang usapan namin ay magkikita sa tapat ng canteen ng Willford .

Pag-dating ko doon andon na si Tracey , Hazel , Janna at Steffany .

Umupo muna ako sa katabing bench nung inuupuan nila .

Dumating na si Trisha at Shaina . Si Stacey at Yesha nalang ang wala .

"Kamusta ang first day niyo ?" tanong ni Janna .

"Kami okay lang pero may apat na lalaki kaming kaklase sa first period . Para silang bad boys eh ." Komento ni Shaina .

"Kami naman parang diring-diri yung mga kaklase namin sa first period . Tapos may apat din na lalaki na nakakatakot kaming kaklase ." Sabi ni Trisha .

"Ang pagkaka-alam ko nga kaklase ni Stacey yung dalawang lalaki pati yung apat na babae eh ." Sabi pa ni Trisha .

"Kawawa naman pala si Stacey ." Sabi ni Steffany .

"Oh , Yesha !" Kinawayan namin siya para makita niya kaagad kami .

"Bakit ngayon ka lang ?" Tanong ni Hazel .

"Nilagay ko lang yung libro ko sa locker . Tara na ?" Pag-yaya niya samin .

"Teka , wala pa si Stacey ." Sabi ni Tracey .

"Ha ? Naka-salubong ko siya kanina eh . Sabi niya may gagawin pa siya kaya di na muna siya makaka-sabay ngayon . Mamayang lunch nalang daw ." Nakakapag-taka naman si Stacey , bakit hindi siya sasabay samin ? Eh puro orrientation palang naman kami ngayong araw at konting discussion pero wala pang homework .

"Sige , tara na ." Pumasok na kami sa loob . Ang laki talaga ng school na'to . Ang daming kainan eh . Marami pang bakanteng upuan , yung iba daw kasi lumalabas ng campus para sa labas kumain . Ang yayaman talaga .

Sina Janna , Steffany , Hazel at Yesha na ang nag-presentang um-order ng kakainin namin . Kami naman nanatiling naka-upo dito .

Luke's POV

Papunta na kaming canteen ni Drake . Habang nagla-lakad kami . May nahagip ang mga mata namin .

"Oh my gosh . Sorry , I did'nt mean to . You're so clumsy kasi eh . Ayan tuloy , tumapon yung coffee sa arm mo ." Di namin makita yung babae dahil natatakpan siya nung apat na babae . Tinulak siya nung isa tapos tinapunan siya ng kape .

"Di daw sinasadya , eh halatang planado eh ." Sabi ni Drake .

"Bye witch ." Sabi nung apat na babae . Napatingin naman ako dun sa babae na naka-upo sa sahig . Teka -- di ba si .

"Stacey !" Lumapit agad ako sakanya at itinayo siya . Nanatili siyang naka-yuko . Hinarap ko siya sakin at inayos yung buhok niya .

"Ayos ka lang ?" Tanong ko sakanya .

"Baliw ka ba Luke ? Nakita mo na ngang natapunan ng kape ita-tanong mo pa kung ayos lang ? Dalhin na natin siya sa clinic ." Tumango nalang ako . Kung walang sense yung sinabi nitong si Luke malamang na-batukan ko na yan eh .

"Asan ba sina Trisha ? Ba't di mo sila kasama ?" Tanong ko sakanya .

"Magka-iba na kasi kami ng schedule kaya hindi ko alam kung nasaan sila ." Binilisan namin ang pag-punta sa clinic . Pag-pasok namin agad namang tinignan nung nurse yung braso ni Stacey .

Sobrang pula pala nung braso niya . Tapos may sugat pa siya sa may siko dahil sa pagkakatulak sakanya .

"Bibili muna ako ng pagkain . Dadalhan ko nalang kayo ." Sabi ni Drake . Pagka-labas niya , lumapit ako kay Stacey . Nilalagyan na ng band aid yung sugat niya .

"Ayos ka na ?" Umupo ako sa harap niya pagka-alis nung nurse .

"Ah , oo . Di naman daw malala yung pagka-paso sabi nung nurse ." Sabi niya tsaka ngumiti .

"Kamusta naman yung mga kaklase mo sa second period ?"

"A-ayos lang naman ."

"Hindi mo ba ka-klase yung apat na babae pati yung apat na lalaki ?" Yung apat na lalaki sina Seth , Kyle , Travis at Dominic . Yung apat na babae naman yung nag-tapon at tumulak kay Stacey .

"Uhm .. Ka-klase ko yung apat na babae tapos ka-klase ko yung dalawang lalaki ." Tch . Ang malas naman ng schedule ni Stacey .

"Tch . Lumayo ka nalang sa mga yon okay ?" Mamaya pa kasing after lunch ko siya makaka-klase . Tumango naman siya at sakto na dumating na si Drake .

"Hi , Drake nga pala ." Pagpapakilaa ni Drake kay Stacey .

"Hello , ako naman si Stacey ." Nag-shake hands silang dalawa . Umupo naman siya sa isang tabi at kumain na kami .

Kung pwede lang ipa-bago yung schedule ko . Nagawa ko na eh . Tch .

=====

Vote , Comment and Share !

Lyahealah

When The Bad Boys Meets The Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon