Stacey's POV
Andito na kami sa counter . Nabili na namin yung mga kailangan namin pagkain .
"Iintayin nalang daw nila tayo dun sa Fashion Style . Sa unang kanto daw ." sabi ni Janna .
Lumabas na kami ng store . Tag-isa kami ng bitbit , yakap namin yung mga pinamili namin kasi bawal na ang plastic diba ?
Habang naglalakad kami may grupo ng lalaki na naglalakad . Grabe naman tong mga to .
"Paano tayo dadaan niyan ? Eh parang mga siga baka hindi yan gumilid ." sabi ni Tracey .
"Parang hindi nga sila tatabi . Mukhang bad boys eh ." Sabi ni Hazel .
Ayan na . Nasa harap na namin sila . Natatakot ako na bigla akong kinilabutan . Yumuko kaming lima .
May nakita ako space kaya doon ako dumiretso ng biglang may sumulpot na lalaki .
"Ahh !" Pumikit ako ng tinulak ako nung lalaki . Iniintay kong malaglag ang sarili ko sa lupa pero naramdaman kong may sumalo sakin .
"Kuya ! Para kang tulig ! Bakit mo siya tinulak ?" Dinilat ko ang mata ko . Nakita ko ang isang lalaking maputi .
"Tch . Pake mo ba ? Tabi nga jan !" Nadali ulit ako nung lalaki . Lumapit naman sakin sina Hazel .
"Okay ka lang ?" Tanong nila sakin . Tumango lang ako .
"Kasi naman Stacey mag-ingat ka nga !" Napatingin kami dun sa lalaking sumalo sakin kanina . Pano niya ako --
O_____O
"Luke ?!" Omo . Si Luke talaga to ?
"Oh , nagulat ka na niyan ?" Tanong niya .
"Pano ka napunta dito ?" Di parin ako makapaniwala na andito siya ngayon sa harap ko .
"Uhm kasi nag-biyahe ako ?"
"Luke .."
"Kasi pinuntahan ko yung Kuya ko . Pupuntahan sana kita sainyo kaso nakita kita dito tinawag pa nga kita kaya akala ko narinig at nakita mo rin ako ."
"Ay , sorry . Bakit ka naman pupunta sa bahay ? Eh alam mo naman nagre-renta lang kami . Tsaka salamat nga pala sa pagsalo sakin ." Sabi ko . Sina Hazel sumenyas sakin na mauuna na sila tumango nalang ako . Kinuha din nila yung dala ko kanina .
"Ano ? Kamusta ka naman ? Umaasenso ka na ba ?" Tanong niya . Pumunta kami doon sa mga bench parang pahingahan dito sa Street Store .
"Ayos lang naman . Hindi pa ganon kaasenso pero darating din naman yon ." Ngumiti ako sa kanya at umupo doon sa isang bench . 8:00 am palang kaya wala pa masyadong tao .
"Hay , ikaw talaga . Saan pala kayo mag-aaral nina Trisha ?"
"Sa WillFord University ."
"Sa WillFord ?! Weh ? Doon talaga kayo ?" Tumango ako sa sinabi niya . Inakbayan niya naman ako .
"Uy Luke . Hindi ako sanay ng may nakaakbay sakin ." Binaba niya na yung kamay niya . Yung mukha niya sobrang saya .
"Bakit masaya ka ata ?" Tanong ko .
"Kasi dun din ako mag-aaral !" Woah . Kaya pala . Ngumiti din ako , atleast hindi na kami masyadong mahihirapan nina Trisha at Tracey kasi may kakilala na kami na ka-age namin .
"Nako Luke , gusto ko pa sanang makipag-usap sayo kaso may aasikasuhin pa kami ."
"Okay lang Cey . Halika samahan na kita ." Tumayo na kami sa bench at nag-punta doon sa Fashion Style .
"Salamat ulit Luke ."
"Your welcome Stacey . So pano ? Kitakits nalang sa pasukan ! Ba-bye !"
"Bye . Ingat ka ." Nag-okay sign lang si Luke at umalis na . Pag-lingon ko nakita ko sina Shaina at Yumiko . Yung iba siguro nasa second floor .
"Oh anjan ka na pala . Pumili ka na ng mga damit mo ."
"Uy dito may mga sale oh ." sabi ni Yumiko na nasa likod na part .
Pumunta kami doon ni Shaina . Magaganda nga yung mga damit na naka-sale . Sige , bibili muna kami ng mga damit namin .
=====
Vote , Comment and Share !
-Lyahealah
BINABASA MO ANG
When The Bad Boys Meets The Good Girls
Teen FictionWhat do you think will happen if the twelve bad boys Xander , Luke , Kirby , Shawn , Lawrence , Blake , Charles , Clyde , Darylle , Travis , Kyle and Seth meets the good girls Tracey , Jewel , Hazel , Steffany , Trisha , Yumiko , Shaina , Yesha and...