Chapter 6

21 0 0
                                    

Xander's POV

Kakagising ko lang , tinignan ko yung oras at 7:00 palang ng umaga . Sobrang aga ko atang nagising dahil si Shawn tulog pa . Yan unang gumigising samin eh .

Tumayo na ako at pumunta sa CR . Nag-hilamos ako at nag-mouth wash . Paglabas ko naman gumalaw si Shawn . Hinayaan ko lang t umupo ulit sa kama ko .

5 text messages ..

Binuksan ko yunh messages at puro kay Xena galing yung message .

From : Xena

Kuya , punta ka dito sa mansyon dali !

-END-

From : Xena

Kuya ! May sasabihin ako !

-END-

From : Xena

Kuya faster ! Umuwi ka dito !

-END-

From : Xena

Kuya ! Ano ba ? Naghihirap ka na ba at di ka na maka-reply ?!

-END-

From : Xena

Kuya !

-END-

Tch . Problema ba nito ?

To : Xena

Bakit ba ?!

-END-

From : Xena

Basta , pumunta ka na dito !

-END-

Naligo na ako at bumaba na . Nag-suot lang ako ng tokong at t-shirt .

Ano yon ? Baka gusto niya nanaman ng fries at starbucks ? Tch . Panira talaga ng araw tong si Xena .

Nag-drive thru ako sa mcdo at um-order ng limang large fries , tsaka chicken burger . Sunod naman akong pumunta sa starbucks . Um-order ako ng dalawa . Large size din .

Sa sasakyan nalang ako kakain . Tch . Istorbo kasi tong si Xena eh .

Habang nakain ako napatingin ako sa waitress sa loob . Parang pamilyar sila eh . Ay , bakit ko ba inaalala yun . Tch . Kumain na ako at umalis na .

Steffany's POV

7:00 palang umalis na kami ni Janna pati ni Yesha papuntang starbucks . Tinawagan kasi kami at ayun may tatlong absent daw kaya kailangan ng kapalit for this day .

Nag-iwan lang kami ng sulat para hindi sila mag-alala samin . Si Yesha , Yumiko at Hazel lang kasi ang may cellphone .

Nag-abang na kami ng jeep . Habang nag-aabang kami nag-tali na kami ng buhok para pag_dating doon maghe-hair net nalang kami tsaka apron .

----

Pag-dating namin maraming tao . Andaming bumibili ngayon . Nagmadali kaming tatlo . Nag-linis agad kami ng mga table , counter tsaka nag-walis .

"Steffany ! May gwapo kamong um-order dito kanina ! Like oh my gosh . Sobrang gwapo ! Para siyang artista alam mo yon ? Gosh !" Pagku-kwento sakin ni Monique isa din sa nagta-trabaho dito .

"Talaga ?" Medyo napagod ako kasi 8:47 na . Halos isang oras din kaming naglilinis .

"Yesha ? Ba't parang namumutla ka ? Ayos ka lang ba ?" Tanong ni Janna . Napatingin kami ni Monique kay Yesha . Namumutla nga siya .

"Yesh oh , tubig , uminom ka muna ." In-abot ko yung tubig sa kanya . Pinaypayan naman siya ni Monique .

"May sakit ka ba ?" Tanong ko . Pakiramdam ko kasi may tinatago siya samin eh .

"A-ano kasi .. M-may h-hika a-ako .." Nanlaki yung mata naming tatlo .

"Bakit hindi mo sinabi samin ?" kalmadong tanong ni Janna .

"Kasi , baka mag-alala pa kayo sakin ." yumuko siya .

"S-sorry .." Lumapit kami sakanya at umakbay sakanya .

"Ayos lang , pero Yesha , sa susunod wag ka ng maglihim samin ha ?" paninigurado ko .

"Oo naman . Promise hindi na mauulit ." Ngumiti kami , ganon din siya . Pinagpahinga lang namin siya at kaming tatlo nag-patuloy na sa trabaho .

=====

Vote , Comment and Share !

Lyahealah

When The Bad Boys Meets The Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon