Ilang linggo na rin pala. Ilang linggo na ang lumipas mula non. Tinotoo nga ni Dylan yung sinabe ko. Hindi na nya ko nilapitan.
Pag nagkakasalubong kame parang wala lang.
Dapat masaya ko eh! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Why there's regret in my heart?
Nagbago na sya.
Wala na yung dating ngingitian nya ko tapos tatanungin kung kumusta na yung araw ko. Kung naka-sagot ba ko sa mga recitations at quizes. Yung aalamin nya kung may bagsak ako tapos kung meron, pipilitin nyang i-tutor ako para makapasa. Minsan nga sya na nagpupuyat sa mga projects and assignments ko pero wala lang saken.
Wala na rin ngayon yung taong laging tatanungin kung nakakain na ba ko tapos mag-aalala pag nalamang hindi pa .... sya rin yung taong laging bibilhan ako ng mga paborito ko para lang mapilit akong kumain, sya yung taong kapag kinakabahan ako ay pinapalakas ang loob ko kase naniniwala syang kaya ko, na magaling daw ako, na maganda ako. Pero ngayon wala na,wala na talaga, wala na sya, wala ng magtatanggol saken kapag may mambabastos saken.
Ang tanga ko ba para ngayon lang maappreciate lahat ng yon? Nami-miss ko na yon, especially yung taong gumagawa non para saken. I admit nagsisisi talaga ko.
Ngayon ko lang na-realize lahat ng yon. Kung gano sya kalaking kawalan sa buhay ko.
Kawalan sya hindi dahil wala ng gagawa nun para saken kundi kawalan sya dahil .... dahil ....
Mahal ko na sya.
Haha. Parang nakakaloko lang diba? Halos isumpa ko na sya noon tapos ngayon sasabihin kong mahal ko sya. I deserve a slap for that.
Bakit ba ngayon ko lang naisip yon? Siguro dahil iniisip ko noon na ako lang naman ang babaeng mamahalin nya pero anong ginawa ko? Tinaboy ko sya, pinalayo ko sya.
But I believe hindi pa huli ang lahat. It's still not late, I hope so! Siguro dapat ko na syang bigyan ng chance or I should sya .... sabihin sa kanyang mahal ko na sya.
Oo tama! dapat ko na ngang gawin yon.
"Hey, April? Tulala ka na naman, kanina pa ko salita ng salita dito di ka naman nakikinig." reklamo ni Maricris. Kasama ko nga pala tong mga to at kumakain kame ngayon.
"Ha?"
"Kita mo, puro ka ha? Ano bang iniisip mo?"
"Ah ---?"
"Iniisip mo si Dylan no? Ayieee. Ikaw girl ha!" pang-aasar ni Josie.
"Kung bakit kase sinabi mo pa yan sakanya, yan tuloy" Maricris
"Tama bang ipaalala pa saken? Oo na! Mali na ko at sobrang nagsisisi na talaga ko kung alam mo lang." sabay untog ng ulo ko sa lamesa.
"Oy easy. Umayos ka nga. Nagmumukha ka ng baliw jan oh." awat ni Maricris.
"Eh nai-stress na ko eh!"
"Alam namin, kaya imbes na magmukmok ka jan at iuntog yang ulo mo sa lamesa eh bakit hindi ka nalang magpaganda!" Josie.
"At nakuha nyo pa talagang mag-advice ng ganyan kahit mabaliw baliw na ko dito tapos Valentine Night pa natin bukas."
"Exactly! Nakuha mo ang point ko! Kesa magpakabaliw-baliw ka jan, bakit hindi ka magpaganda at mag-ayos jan para bukas sa Valentine Night ay maganda ka namang haharap kay Dylan. Saka mo sya kausapin, humingi ka ng sorry at saka ka umaming mahal mo sya. Ganun! Ganun lang kasimple yon ateng!"
Biglang nagliwanag yung mukha ko dahil sa sinabi ni Josie.
Oo nga no?! Bakit ngayon ko lang naisip yon?!
Tama! Tama talaga!
"Waah! Bespreng Josie, ang galing mo talaga. You are a genius. Love na talaga kita. Buti naisip mo yon?" sabe ko sabay yakap kay Josie.
"I know right" sagot nya.
"Eh pano naman ako?" kunwari ay nagtatampong sabat ni Maricris.
"Ano ba, syempre loves din kita, kaw pa." at isinama ko na rin sya sa hug ko. Kaya nag-group hug kame don.
Buti nalang talaga at may mga ganito kong kaibigan. I'm so blessed.
"Teka girls, napansin nyo ba si Steph?" tanong ni Maricris ng makakalas na sya sa hug.
"Oo nga no..... hindi eh. Pero alam nyo pansin ko lang ha. This past few days eh laging blooming yung babaitang yon." Josie.
"Yeah right, pansin ko din. Mukhang lumalablayp na yata ang bookworm ng barkada. At sino naman kaya si Lucky Guy?" kinikilig na tanong ni Maricris.
"Baka naman si Carlo, pansin ko yun kase yung lagi nyang kasama eh, right?"
"We don't know but I think we should be happy for her." yun nalang ang nasabe ko. Masyado na kase kong occupied ng thoughts ko kung paano magso-sorry kay Dylan.
Excited na nga ako eh pero mejo kinakabahan pa rin.
Bahala na bukas!
BINABASA MO ANG
Never Had a Dream Come True
Short StoryThey say 'Loving is sacrificing your own happiness just for the one you love. Endure the pain, 'coz it worth everything.' Pano kung sinacrifice mo ng lahat pero hindi nya ma-appreciate yon? Pano kung ginawa mo naman lahat pero kulang pa para sakanya...