8th: Facing Reality

70 5 5
                                    

"Hoy! April gising! Hoy!"

"Hmmm?" naramdaman kong may marahang umaalog sakin. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang nasa school canteen ako.

Teka .. Bakit? ... Panong --- SCHOOL?!

"Anong ginagawa ko dito? Si Dylan! Yung kasal ni Dylan?!" sigaw ko habang sinusuyod ng tingin ang buong canteen.

"Ha? Anong kasal? Naka-drugs ka ba? Saka bakit umiiyak ka? " tanong ni Maricris.

Teka! Naguguluhan ako! Ano bang nangyayare? Diba kinasal na sya tapos nasa simbahan ako!

"For sure nanaginip yan, rather bangungot." sagot ni Steph na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa hawak na libro.

OO NGA! SI STEPH!

"Steph? Nandito ka?! Nasan si Dylan? Yung ... yung kasal ny--"

"Hindi ako hanapan ng nawawalang admirer April." nakailing na sagot ni Steph.

"Kung ganon ... nanaginip ako?" tanong ko sa kanilang tatlo na halatang nawi-weirdohan na sakin.

"Exactly sis!" Josie

Panaginip? Panaginip lang lahat ng yon? Pano? Pero .. parang totoo. Gusto kong maiyak lalo, sh*t lang!

"P-Panaginip l-lang talaga y-yon?" iyak tawa na tanong ko.

Waaa! ^___^ I sighed in relief. Gusto ko talagang umiyak habang humahagalpak ng tawa.

"Oh, anyare sayo? Nabaliw ka na?" Josie

Umiling ako habang naka-ngiti. Buti panaginip lang lahat ng yon. Pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Hindi pa man ako nakaka-recover ay ..

"Ahm, good morning girls ... g-good morning April."

Automatic na napa-tingin kameng apat sa nagsalita. Ang boses na yon .. sya ... sya nga yon!

"Dylan?!" gulat na tawag ko sakanya.

" Uy, speaking of manliligaw." Maricris

"Ahm April ... ano kase.. ahm" Dylan

"Good morning sin Dylan." ^_____^ masayang bati ko sakanya sabay yakap na ikinagulat nilang apat.

O_oa - mukha nilang tatlo        

O///O - Si Dylan

"Oh, problema nyo?"

"Sabihin mo, tama ba yung narinig kong binati mo sya?" parang end of the world na tanong ni Josie.

" At niyakap mo pa." Maricris

"Ahh, yes? Ang oa nyo! Anong masama don? Right Dylan?" pati si Dylan ay gulat din.

"A-ah? O-oo" O///O

"Kita nyo?"

Bigla nalang nilang kinapa yung noo ko.

"Wala ka namang sakit." Steph

" Err, yup?" talaga bang ganong kaimposibleng maging nice ako kay Dylan?

"I can't believe you April, samantalang noon kung snob-in mo sya, sagad! Kulang nalang ipagtabuyan mo eh. Maricris, kapain mo nga yung batok, baka don may lagnat." parang ewan na utos nya kay Maricris.

Eh? Ganon ba ko kay Dylan?

"Sobra naman kayo!"

"We're just saying the truth!" sabay na sabi nilang tatlo.

"Hmp.Fine! Masama na bang mag-bago ng approach, saka ano bang masama don? I LIKE DYLAN!"

OoO - bigla nalang naging ganyan yung mukha nilang tatlo.

Never Had a Dream Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon