10:00 PM na at nandito kame nakaupo sa dalawang upuan sa stage na nakalaan para sa Mr. and Ms. Valentine so obviously, katabi ko ngayon si Dylan.
He's sitting beside me at gwapong gwapo while wearing a white tuxedo na bagay na bagay sa mestizo nyang balat.
Hindi sya nagsasalita at tahimik lang na nanunuod sa mga sumasayaw.
Wala ba syang balak na isayaw ako?
I need to do something, I should start my plan. Kanina pa kase nagsisimula yung sayawan eh.
"Ahm ... you look .... handsome." puri ko sakanya para mabasag ang katahimikang namamagitan saming dalawa.
He just look at me with a poker face.
Ang mga titig nya. Hindi na tulad ng dati. Ibang iba na yon, kung dati punong puno ng pagmamahal ang mga tingin nya ... ngayon?
Wala akong mabasang emosyon dito.
"Thanks." yun lang at ibinalik na nya uli ang tingin nya sa dance floor.
"ahm, Dylan." I try again to open a conversation.
"Why?" Tanong nya pero hindi pa rin tumitingin sakin, pero hindi pa rin ako dapat sumuko.
Marami na syang nagawa para sakin kaya dapat ganon din ako.
"Kamusta?"
"Okay lang."
"Ganun ba? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"Soccer"
"Ah, may laban nga pala kayo sa Saturday right? Okay lang bang manuod?"
"Yeah"
Pinilit kong pahabain ang conversation namin pero wala ... ang iikli talaga ng mga sagot nya.
Mahaba na siguro ang 10 letters.
Nagmumukha na ngang slam note yung usapan namin eh. I will ask tapos yung mismong sagot na yung sasabihin nya.
Wala man lang additional kahit na 'Ikaw ba, gusto mo rin ba yon?' o kaya naman eh 'Sure, sasama ka rin ba?'
Psh. Sabagay, walang mangyayare kung puro ganon ang tanong ko.
Direct to the point din dapat ako.
"Ahm .. Dylan ... ano .. kase ..." pano ko ba sisimulan to? Hindi pa rin nya ko pinapansin.
Hooooo! Kaya ko to.
"Ano kase ... gusto ko sanang mag so---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang tumayo at maglakad palayo.
"Wait! San ka pupunta?"
"Somewhere .... away from here." he answered coldly at yun na yata ang pinakamahabang sagot nya sakin mula kanina.
Unti unti na syang naglakad palayo.
Parang nung sa bar lang ... at wala man lang akong nagawa that time.
Hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.
Saka lang ako natauhan.
MALI! Hindi ko na dapat sya hayaang makalayo.
Tama na yung naging tanga ko ng isang beses. Yun ay nung hinayaan ko syang umalis ... and definitely not this time.
Hindi ko na hahayaang mangyari uli yon.
Tumayo na ko sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa dinaanan nya.
Nagulat nga yung ibang mga estudyante at Teachers sa ginawa ko. Ikaw ba naman slow dance na tapos may biglang eeksenang tatakbo habang naka-heels.
But I don't care, ngayon ko pa ba iisipin ang poise ko?
Nagdire-diretso ko palabas sa hall at sinundan sya. Walang mga tao sa labas dahil kasalukuyan silang sumasayaw sa loob.
Marami ngang nag-aaya sakin pero hindi ko sila pinansin.
Mejo madilim dito sa labas dahil konti lang ang mga ilaw pero wala akong pakialam.
Hinanap ko sya sa bawat sulok.
Sumakit na nga yung paa ko kakahanap eh pero wala pa rin sya kaya tinanggal ko na yung heels ko para hindi hassle.
Until ....
May narinig akong music. Parang nanggagaling to sa may ....
Garden?
OO NGA NO! Ba't ba hindi ko naisip yon?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya lumiko ako papunta sa right side kung saan nandon ang isang Gazebo na nasa gitna ng Garden.
Parang violin ang naririnig ko.
Habang naglalakad ako ay napansin kong may mga petals sa dinadaanan ko. Tapos may mga candles na iniilawan yung way ko papunta sa Garden.
Bigla akong napangiti, parang alam ko na to. Kahit kelan ....
ang romantic nya talaga.
Habang palapit ay palakas ng palakas ang music na naririnig ko. Hanggang sa marating ko na ang garden at nakita ko ang isang table sa loob.
Candle light dinner?
Ang sweet. Na-touch ako sa mga nakita ko.
I saw Dylan standing. Nakatalikod sya saken kaya hindi nya siguro ako napansin so I call him.
"Dylan!"
Agad naman syang lumingon at muli, nakita ko na naman ang matamis nyang ngiti. Ang tagal kong hindi nakita to ...
nakakamiss.
Pero biglang naglaho ang ngiting yon ng makita nya ko at napalitan iyon ng kalungkutan.
Bakit? Anong problema?
Masama pa rin ba ang loob nya hanggang ngayon?
"Dy---" I tried to utter his name pero hindi ko na naituloy na bigla syang mapatingin sa bandang likuran ko at muling ngumiti kaya napalingon na rin ako.
And to my surprise ... hindi ko alam kung mamatatawa ba ko o maluluha ... but somehow ... napanatag ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Never Had a Dream Come True
القصة القصيرةThey say 'Loving is sacrificing your own happiness just for the one you love. Endure the pain, 'coz it worth everything.' Pano kung sinacrifice mo ng lahat pero hindi nya ma-appreciate yon? Pano kung ginawa mo naman lahat pero kulang pa para sakanya...