One week passed at eto ... pageant night na!
Yahoooo! Emsoexcited na pero kinakabahan pa rin ako. Wooh! Inhale! Exhale!
"Kinakabahan ka ba? Relax ka lang" Dylan
Kasama ko sya ngayon sa Back stage dahil isa sya sa mga Contestants. Actually he's my partner, classmate ko kase sya. Sabi ko sa inyo gwapo yan eh.
"Ah yeah, alam ko"
"Good, you're beautiful kaya wag kang kabahan. Alam kong kaya mo yan okay?" saka nya hinawakan yung kamay ko.
Feeling ko nawala yata lahat ng kaba ko. Bigla tuloy nag-init yung pisngi ko dahil sa ginawa nya kaya hinila ko na ang kamay ko.
Naiilang ako eh.
Mukhang napansin naman nya yon.
"Ah, sorry"
Hindi ko nalang sya pinansin.
Q & A portion na kaya talagang nakaka-kaba.
"All ladies and gentleman, let's have a hand for Contestant Number 12!"
Halos tumalon ang puso ko sa kaba ng marinig ang number ko.
Agad naman akong lumapit sa Emcee. Ofcourse poise na poise ang lakad ko habang nakangiti ng sobrang lapad.
Ang aking 1 billion dollar smile.
"Please pick a judge Contestant Number 12. The Question that'll be ask to you will be the same question that'll be ask to your partner"
Bago pumili ng judge ay tumingin muna ko sa kung saan nakatayo si Dylan.
Ngumiti naman sya at nag-aja pose pa.
Psh. So gay! Kaya inirapan ko lang sya saka pumili ng judge.
"This is my question to you Contestant Number 12." The judge said. "Love is the most complicated word we ever encounter, but for you, what is the true meaning of love?"
Wow grabe! Ang showbiz ng tanong!
But ofcourse, carry ko yan. Ako kaya si April May Gallardo.
"Love? It is indeed a complicated word but once you encounter LOVE, you will forget the meaning of the word complicated. Love is the most magical thing a person can ever experience, an experience that will last till eternity and blah blah blah ...."
Hindi ko na maintindihan ang sagot ko pero I'm still confident na naibigay ko ang best answer ko sa tanong na yon.
Pagkatapos magpasalamat ay bumalik na ko sa pwesto ko kung saan nandon din ang ibang mga contestant na tapos ng tanungin.
"Wow, nice answer got there April" bati saken ni Dylan ng mapadaan ako sa harap nya.
"Thanks"
After non ay sya naman ang tinawag.Malamang partner ko eh.
Paglapit nya sa Emcee ay agad na nagsigawan ang mga babae.
Psh! As if namang mapapansin sila nyan eh patay na patay saken yan. *smirk*
Mahangin ba? Totoo naman eh.
"Whoaw, you have a lot of fan girls here Mr. Santillan." Ngumiti lang sya sa sinabi ng Emcee. Sus! Pa-humble masyado."Anyway, same question to you Contestant Number 12" "For you, what is the true meaning of love?"
Bago sumagot ay humarap sya saken.
"Love? There are so many definition of love." simula nya pero sakin pa rin nakatingin kaya nagsimula ng mag-ayie ang mga audience.
"Love is so complicated but for me, I got my answer for that. Love is doing unexplainable things for the special person of your life. Doing efforts and things you can't imagine you can do. Yung kahit nagmu-mukha ka ng tanga maiparamdam mo lang sakanya kung gano sya kaimportante sayo, kase that's love ... it's not selfish but selfless. Hindi mo iintindihin yung sarili mo, pati na rin yung sinasabe ng ibang tao sayo kase nga nagma-mahal ka. Nagsi-simula ka ng maging manhid, kahit masakit okay lang because that was TRUE LOVE. Love is great, love is magic .... and showing that we call love to that special person of mine is the greatest thing I ever did in my entire life, 'coz that's love ... simply means SACRIFICING."
Na touch ako sa sagot nya. Ganun ba sya magmahal? Parang buwis buhay yata.
So, ang swerte ko pala sa kanya? Pero hindi ko manlang kayang suklian yon 'coz I'm still confused on my feelings.
Do I love him? I think ... errrr.
"Thank you for that wonderful and heart melting answer Mr. Santillan" bati sa kanya ng Emcee.
Lalo pang lumakas ang cheer at sigawan ng tao sa paligid. Meron pa ngang nag-standing ovation.
Hindi na ko nag-abala pang batiin sya. Inayos ko nalang ang pose ko at pinakita ang aking winning smile.
BINABASA MO ANG
Never Had a Dream Come True
Cerita PendekThey say 'Loving is sacrificing your own happiness just for the one you love. Endure the pain, 'coz it worth everything.' Pano kung sinacrifice mo ng lahat pero hindi nya ma-appreciate yon? Pano kung ginawa mo naman lahat pero kulang pa para sakanya...