CHAPTER I

7 0 0
                                    

jeena's pov

"jEENA MAE PARRRRKKKK!!!!", sigaw ng kapatid kong si Chenle na galing sa baba.

aish, letche kelangan pa ba niyang i-sigaw yung tunay kong pangalan?

bumaba ako para harapin yung dolphin kong kapatid.

"ano ba nanaman bang problema mo?", tanong ko

"nasan yung air max kong sapatos---bAkiT mO suOt yUnG aIrMax kO aTe?!", putcha, sigaw pa mabibingi nako.

"pakialam mo ba kung suot ko to? eh gusto kong suotin eh. may magagawa ka ba?", sumbat ko sa kapatid kong malapit nang umusok ang tenga sa galit.

how cute.

"MAMA OH!! SI ATE JEENA NANGUNGUHA NG SAPATOS!!", sumbong ni Chenle.

"psh, sumbungero", pabulong kong sambit.

"jeena anak, diba binilhan na kita ng sapatos?", tanong sakin ni mama.

"ma naman eh, di naman yun yung mga gusto kong sapatos.", depensa ko.

"pero anak, kelangan mo nang masanay magsuot ng mga ganong sapatos kase--

"alam ko naman ma, pero next time nalang ako magsusuot ng mga ganon, please?", putol ko kay mama.

nakita kong kumunot ang noo ni mama. sorry ma kung ganito pag-uugali ko.

"sige. bahala ka. basta sa susunod hindi mo na susuotin mga sapatos ni Chenle okay?", sabi ni mama.

"opo ma. promise po!", sabi ko.

"o sya, pumasok na kayo sa eskwelahan niyo, mag-ingat kayo, ha?", sabi ni mama.

"opo ma.", kinuha ko na yung bag ng 2 kong kapatid at pumasok na sa kotse.

okay at ako'y nagbabalik~ gawa naman ako ng story na Tagalog, hikhok💚


stream wakey wakey not shibalyo ppalliwa😂 mahal na kita kapag na-gets mo sinabi ko😆

f o r c e d . • an NCT FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon