CHAPTER V

1 0 0
                                    

jeena's pov

a-ano? si jaehyun? ang isa sa mga tropa ko?? omg. like o-m-g. siya yung lalaking ikakasal sakin?? ano kaya magiging reaksiyon ng iba naming tropa?

"jeena! are you listening?", tanong ni mama

"ha?", anong "are you listening" pinagsasabi niya?

"this is jung jaehyun, the son of jung ji woo. siya yung lalaking mapapakasalan mo.", natutuwang sabi ni mama.

hindi ba aware si mama na tropa ko si jaehyun? ang awkward kaya.

"a-ahm, mama, aakyat lang po ako.", heh takas takas lang pag may time.

"oh! jaehyun, sundan mo na din si jeena. sa walk-in-closet naman siya nagbibihis eh. hintayin mo nalang siya sa bedroom niya.", sabi ni mama kay jaehyun.
"and jeena! please wear YOUR APPROPRIATE CLOTHES AND FOOTWEAR.", naku po.

mabilis akong naglakad paakyat pero hindi sapat yung bilis ko dahil nahawakan ni jaehyun ang aking kamay.

"jeena wait!", pagtigil niya sakin.

napatingin ako sa nakasiklop naming kamay ni jae. grabe ang puti ng kamay niya, mas maputi pa sakin. #sadlayp

"j-jae...", bat di ako makapagsalita ng maayos? at.. ano tong nararamdaman ko sa tiyan ko? gutom na ba ako or.....HINDI. GUTOM LANG TALAGA AKO. wala nang iba.

then jaehyun being jaehyun, he smirked at me. teka smirk? he did not--

"samahan mo naman ako. laki laki ng bahay mo e. baka mawala pa ako.", then, nag-puppy face siya.

siguro kung straight akong babae nalusaw na ako sa harapan niya.

omaighad ano ba itong iniisip ko???

"hey hey, jee", pukaw niya sa atensiyon ko.

"ha?", hanodaw?

tinawanan lang niya ako at hinila paakyat. nang makapunta kami sa second floor ng mansyon, huminto siya.

"nasan ba kwarto mo?", tanong niya.

"n-nasa t-third f-floor...", teka bat ba ako nauutal?

hinila nanaman niya ako papuntang third floor. teka, bat nga ba kami naglakad e may elevator naman dito?

bobo, di nga niya kabisado tong mansyon diba?

"eto yung floor ko. sakin tong buong third floor.", sabi ko kay jaehyun na napatunganga sa sobrang lawak ng third floor.

"nasan kwarto mo?", tanong niya sakin.
"sa dulo. yung black na pintuan.", turo ko sa pinakadulo na kwarto.

tumango siya at binitawan kamay ko para makapag-bihis ako at dumeretso siya sa kwarto ko para doon siya maghintay.

pumunta naman ako sa walk-in-closet ko para magbihis. kukuhanin ko na sana yung shorts ko pero naalala ko yung sinabi ni mama na magsuot ako ng "appropriate clothes and footwear". aw shet.

kinuha ko yung gray blouse at in-insert ko sa maong na palda ko at ang sinuot kong sapatos ko ay ang flats. buti nga sanay akong suotin yon.

lumabas ako sa walk-in-closet ko at pumunta ako sa kwarto para maglagay ng "make up".

and i saw jaehyun, lying comfortably on my bed na akala mo kwarto niya. nakita niya rin ako, pero yung tingin niyang di makapaniwala. oo, ako din. di ako makapaniwala na simula ngayon, magsusuot na ako ng mga pambabaeng damit.

hinayaan ko nalang siya na humiga sa kama ko at pumunta ako sa vanity mirror ko para maglagay ng kolorete. pagbukas ko ng drawer, iba't-ibang klase ng make up ang tumambad sakin. eyeshadow? contour? foundation? ha? ano to????

kinuha ko yung tinatawag na eyeshadow at binuksan ko. andami namang kulay. pinili ko yung pinaka-light na kulay at nilagay ko sa mata ko. siguro naman tama tong ginagawa ko. tinapos ko na lahat ng ginawa ko at isinara ang drawer at humarap kay jaehyun na......natutulog?

lumapit ako sa kama na hinihigaan niya at lumuhod ako para magka-lebel ang aming mukha. tinitigan ko nang mabuti ang kanyang mukha. ang gwapo naman niya. ang swerte naman ng magiging kabiyak niya. alam ko namang di ako yon kase forced marriage lang naman to eh. wala naman kaming nararamdaman sa isa't-isa.

akala ko tulog na tulog siya dahil hindi niya nararamdaman na magkalapit lang mukha namin. nagkakamali pala ako. binuksan niya ang mata niya at nagtama ang aming paningin.

eto nanaman tayo sa tiyan ko. parang may kumikiliti na ewan. wait, eto ba yung sinasabi nilang "butterflies in stomach"?

ano bang nangyayari sakin???

ano na bang nangyayari kay jeenaaaa???

f o r c e d . • an NCT FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon