CHAPTER VI

1 0 0
                                    

jeena's pov

oh focc. nararamdaman kong nag-iinit ang mga pisngi ko dahil malapit ang mukha namin ni jaehyun. uhh...ang awkward. ano bang pwedeng i-distract???? isip, jeena, isip!!!

"jeena.", tawag ni jaehyun.

"hmm?"

ngumiti ng saglit si jaehyun, "ang ganda mo."

jusko Lord.

nginitian ko lang kase wala akong ibang masabi kundi "s-salamat."

tumayo na siya sa kinahihigaan niya at tumayo na rin ako at inayos sarili ko at sabay kaming bumaba.

nang makita ako ni mama at ni mr. jung, nagulat sila sa itsura ko.

"ahm, mama, a-alis na po kami ni jaehyun.", pag-paalam ko kay mama.

"mrs. park, don't worry i will take care of your daughter. just trust me.", sabi ni jaehyun kay mama at sa papa niya sabay ngiti.

lumabas kami ng mansyon at bumulaga sakin ang sobrang lamig na simoy ng hangin. napahawak ako sa manipis kong tela na blouse dahil sa lamig. gosh, bat di ako aware na malamig pala ang panahon ngayon?

napansin ata ni jaehyun ang ginawa ko kaya hinubad niya ang kanyang bomber jacket at isinuot sakin. "tsk, ang nipis naman kase ng pang-itaas mo.", sabi niya sakin.

"malay ko ba na magiging malamig pala ngayon?", pagtataray ko. wait, kelan ba ako naging mataray??

tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko at pumunta sa kanyang kotse. akala ko hahayaan lang niya ako na pumasok sa kotse, pinag-buksan pa niya ako, at nang makapasok ako, nagulat ako nang lumapit siya sakin at sinuot sakin ang seatbelt, matapos niyang isuot sakin, sinara niya ang pinto at sumakay na siya sa driver's seat.

binuhay niya ang makina at nakangiting humarap sakin at tinanong, "where will be our first place to date?"

i swear, mas mapula yung mukha ko kaysa sa kamatis.


#JaeNa :>

f o r c e d . • an NCT FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon