CHAPTER III

4 0 0
                                    

jeena's pov

sa wakas at nag-breaktime na din, ang pinakahi-hintay ko. pumunta kami sa dati naming tambayan. syempre nag-kamusta-han kami kase ilang months kami di nagkita kasi bakasyon yung time na yon. buti nga walang lumipat ng eskwelahan ang isa sa amin eh.

"jeena akin nalang air max mo", sabi ni ten.

"ulul sa kapatid ko to no.", sumbat ko.

"di ka ba binibilhan ng mga sapatos ng mama mo?", tanong ni johnny.

"binibilhan din. pambabae nga lang.", reklamo ko.

"alam naman niya na "lesbian" ka pero bat ka padin niya binibilhan ng ganung mga sapatos?", si taeil naman nagtanong.

"kase may deal kami.", sambit ko.

"anong deal?", tanong ni hendery.

"eto kasing kompanya namin, unti-unting na  naba-bankrupt. syempre, ako lang ang babae sa magkakapatid, ikakasal ako sa anak na lalaki ng may-ari ng isang kompanya na tutulong para umangat kompanya namin.", sagot ko na ikina-tahimik ng lahat.

"mahirap naman pala yang pinagdadaanan mo," malungkot na sabi ni mark.

oo mahirap para sakin na mapilitang magsuot ng mga bestida, magsuot ng mga takong, maglagay ng kolorete sa mukha, at syempre palitan yung mga pag-uugali kong panlalaki sa pambabae.

bakit nga ba ako naging ganito?

ganito kase yon, nagsimula tong "gender confusion" ko nung 12 years old ako at 8 years old pa non si Jisung. Syempre, mga laruan niya mga action figures, hotwheels, at iba pang panlalaking laruan. ang kwento sakin ni mama, nung nakita ko yung mga nilalaro niya, bigla nalang ako nawalan ng gana maglaro ng mga barbie, bratz, at mga ibang pambabaeng laruan. mas nagustuhan ko pa raw yung mga damit ng mga lalaki kesa sa mga palda at mga bestida. ayaw na ayaw ko daw magsuot ng mga sandals o takong, puro sneakers lang daw ako. nung mga kapanahunan na yon, kaibigan ko na sila taeyong nun. nung 14 years old nako, tandang-tanda ko pa na nanapak ako ng lalaki kase inasar niya ako. hanggang sa naging 18 years old ako, at nagka-gusto sa isang babae. niligawan, at naging kami din sa huli. isang taon lang kami nagtagal dahil hindi ko alam kung bakit kami naghiwalay. bigla nalang siya nawala nang parang bula.

isa rin tong si mama, ang hirap intindihin. alam naman niya na tomboy ako pero ipapakasal pako sa lalaki. tapos, di ko pa nga kilala kung sino yung lalaking ipapakasal sakin e, kahit pangalan lang. pa-surprise tong si mama kahit kelan.

"huy jeena? buhay ka pa?", tawag sakin ni johnny.

"h-ha?"

"tsk, tara na, iniwan na tayo nila taeyong. you have been spacing out for almost an hour. is there something bothering you?", pag-aalalang tanong sakin ni johnny.

"wala naman.", sagot ko.

"you sure? is this something related to you and your mom's deal that you told us awhile ago?", tanong sakin ni johnny at tinignan ako na parang nanay kung mag-alala.

biglang nakaramdam ako ng lakas ng kabog ng dibdib ko. a-ano tong nararamdaman ko?

"ahm, h-hindi ah...tara na balik na tayo sa klase.", alok ko sa kanya at sumunod naman siya. isinantabi ko tong nararamdaman ko kase nalilito na ako.



pls dont forget to vote and comment!💚

f o r c e d . • an NCT FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon