Entry 1.

461 6 0
                                    

        

        Ang artikulong ito ay sumasalamin sa buhay ng isang estudyante na naglakas loob pumili ng kursong nangangain ng buhay na tao. Naglalaman ito ng kanyang mga kapalpakan, kalokohan at kaekekan hango sa tunay na buhay, pang MMK bawasan lamang ng drama.

          Hindi ko maipapangakong matutuwa ka o tatawa ka sa mababasa mo. Baka rin wala kang mapulot na leksyon dito. Normal lang ang buhay ko, kung sa grap ay parang perfectly elastic lang. Shet, sorry nagrereview yata ako ng Economics. Walang extremeties at kung ano-anong kabonggahan. Walang lovelife maliban sa sci-cal ko. Ang highlights ng  pagkatao ko? Accounting major ako. Iyon lang, walang iba. Baka inisin lang kita, aksayahin ang oras mo at kung swerte ay mapapamura ka sa kawalang kwentahan ng mga nakalagay dito. Wag kang mag-expect ng kahit ano, wag kang mag-assume. First rule of Accounting yan.

          ~Pero syempre joke lang. Bwahaha. Ano tutuloy ka pa?

-------------------------------------------------------------------------------------

Author’s Note to Financial Statements Lol.

Hello. Ako si Elle. Hello ulit, lalo na sa mga nagtatagong Accounting majors diyan. Tara, share niyo kwento niyo! Kapit kamay mga kaproblema.

Hashtag:Accountancy ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon