HUMUHUGOT PLS

198 4 3
                                    


Setting: Classroom, Managerial Accounting Class, Quiz

Sound track: Sorry by Justin B. cause one week na me LSS. Hehezz Is it too late now to say sorry~

Eh di ako, solve solve keme. Quiz eh. Pindot pindot here and there. Tapos bigla ba namang nanlabo na lang 'yung display ng calcu ko!

Oo, nanlabo. Akala ko okay lang. Okay pa naman kasi kanina pati nung nakaraan tapos biglang nanlabo na lang. Parang ikaw! Nanlabo na lang ng wala man lang warning. Nanlabo na lang bigla ng walang pasabi. Hindi mo alam kung bakit, anong dahilan, o anong nagawa mo para biglang manlabo na lang lahat.

PINAGPAWISAN AKO NG MATINDI, BRU.

Iisa lang kasi ang ibig sabihin ng calcu na nanlalabo na ang display!

MALAPIT KA NA NYANG IWAN.

I should know. Sus, ganyang-ganyan din kasi sya. Nanlabo na lang isang araw tapos ayun, iniwan ako.

Problems na ako. Problems. JUSKELERED. Oo, kaya kong magsolve manually pero anak ka naman ng tokneneng, oras ang kalaban ko pag nagkataon. Ito na yung cue ko para magmura sa utak, manalangin kay Luca Pacioli para sa kaluluwa ng calcu ko.

I WAS LIKE: BAKIT KAILANGANG NGAYON PA?!

Bakit kailangang ngayon ka pa magloko? Kailangan kita eh. Kailangan kita. Sobrang kailangan kita. Oo, kaya ko namang magsurvive ng wala ka. Pero alam mo 'yun? Mahirap. Kasi nga sanay akong kasama ka. Sanay akong ikaw 'yung dahilan kung bakit ako nakakasurvive tapos ... ganito na lang. Ang hirap kayang maiwan sa ere. Ang hirap kayang maiwan ng walang pasabi.

Pero buti na lang, on line ata si Luca Pacioli that time at nareceive nya agad ang daing ko! Pinindot pindot ko ulit at bumalik naman sa dati. Umayos, luminaw.

Oh di ba, tinry ko lahat. Tinry ko para maging maayos ulit. Naging maayos naman. Well, akala ko lang naging maayos na ulit.

Natapos ko naman 'yung quiz. Pagdating ko sa bahay, gagawa na sana ako ng assignment ko kaya nilabas ko ulit 'yung calcu. Tapos nung binubuhay ko na, nawala na naman. This time, ayaw na talaga.

Ang sakit bru. Akala mo okay na ulit. Panandalian lang pala. Akala mo di ka na nya iiwan. Only to find out in the end, he already left you. Alone.

Muntik na ako maiyak. Alam mo namang napakadependent ko sa calcu ko. Inisip ko kung bakit, bakit bigla na lang 'yun nagkaganon. Tapos naalala ko, ilang beses na nga pala syang nahulog, bumagsak, at kung ano-ano pa.

Siguro nga, pinili nyang mawala na lang kasi hindi na niya kayang makapiling pa ako. Oo, inaamin ko naman na napabayaan ko rin sya. Hinayaang mahulog, bumagsak, at kung ano-ano pa. Siguro nga nasaktan ko talaga sya ng hindi ko inaakala kaya pinili na lang nyang bumitaw.

Pero alam mo 'yung mas masakit? 'Yung kailangan mong lumipad papuntang NBS. Mas masakit dun, 800 din yun. ENG SHEKET TELEGE BRU. (Oo na, mumurahin lang yung calcu ko pero pambili ko ng pants yung 800 na yun kaya ang sheket telege)

Lesson? Ingatan para di ka iwanan.

Disclaimer: Yung mga hugot, hugot galing dun sa isa kong calcu na iniwan naman ako the night before exam sa tax! O di ba, galing ng timing. Hahaha.

XOXOXOXOXO

Convo: verbatim, nasa jeep ako papuntang NBS.

Ako: Friend, wala talagang forever. Iniwan na naman ako. Iniwan na naman ako ng calcu ko. Pati ba naman calcu ko iniiwan ako? At dahil dyan, papalitan ko na sya.

Friend: Haha. Hanap ng BAGO 'yung hindi mang iiwan.

Ako: Hahahaha. May bago na 'ko. :P (Nakabili na ako. Hahaha!)

Friend: Anong itsura?

Ako: Pareho. Siya pa rin para di na ako mahirapan mag-adjust.

Friend: Ah kagaya nya pa rin ang hanap mo..hahahaha!

Ako: Ang hirap kaya masanay. Tapos bigla biglang mag-iiba. Hahahaha!

End. Di na nagreply si Friend. Hahahaha.

Lesson? Stick to one dapat. Oo, calcu pa rin ang pinag-uusapan natin. Stick to one kasi sanay ka na dun so di ka na mahihirapan mangapa. Mahirap mag-adjust guys. Mahirap pag pabago-bago.

PS: Gusto kong pangalanan 'yung calcu ko. Bago eh. Hahaha. Whatchathink?

+\��y�_�


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hashtag:Accountancy ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon