Entry 2. Bakit nga ba?

862 11 7
                                    

Paano ka sumasagot kapag tinanong ka ng ganito:

“Bakit ka nag-Accounting? Bakit ka (nag)Accountancy?”

Parati akong walang naisasagot pag may nagtatanong sa’kin ng ganito. Hahaha. Hanggang ngayon wala pa rin akong mahanap na kasagutan. Hugot pa. Sheeet!

Pero seryoso paano nga ba dapat sagutin ang ganitong tanong?

Tuwing first meeting sa accounting subjects namin parati itong tinatanong sa klase. Kesyo ano daw ang masamang espiritu na sumanib sa amin/atin at napili nating tahakin ang maputik, baku-baku at madilim na daan.

Ito ‘yung mga madalas kong marinig na sagot:

1.Napilit ng magulang/kabarkada o ng kung sino mang Poncio Pilato.

          Reaction to this: WHUT?

Dalawa ang pwedeng maging resulta niyan.

Either matuto kang mahalin ang accounting o kamuhian mo ang accounting, kasi nga napilit/napipilitan ka lang. ‘Yung iba, kung kailan half-way na mga bandang third year na at lahat saka nila marerealize na hindi pala talaga ito ang tamang landas para sa kanila. Mahirap iyon.

Mayroon namang hindi man daw first love ang accounting ay naiiraos naman. Tingin ko mahirap iyon, mahirap na mapipilitan lang. Kasi ang pinili mong kurso (though not necessarily) ay parang pagpili ng mapapangasawa, kumbaga pang-habambuhay at pang matagalan.

2. Nasa mga accountant daw kasi ang pera

           Yung totoo balak mong mang-Napoles? Tunay, nasa accountant nga ang pera  pero hindi sa kanya! Hahaha. Parang ipapabilang lang sayo yung perang di naman para sayo.

3. Pangarap daw kasi nila iyon.

          Wow, samantalang ako noong bata ako ni hindi pumasok sa utak kong maging accountant. Kahit minsan. Pero ewan kung bakit nandito ako sa piling ni Manong Valix. Samantalang sila, noon pa lang ay pinapangarap na pala nila iyon. Wow. Hahaha. Galing noh? Pangarap pala nila noon pa lang ang wag matulog, lumaklak ng calcu at gumapang sa matinik na daan patungo sa pagiging CPA.

4.Kasi daw para sa business nila.

          Ito ‘yung mga RK. Bigatin, may sariling auditing/accounting firm. Finifriends ‘yung mga ganito. Lol. Joke lang!

5. Ito daw kasi ‘yung calling kuno nila.

           Hahaha. Parang magpapari lang ang datingan. De jk. Pero ganoon nga siguro talaga. Parang may force na nagtulak sa iyo para isulat ‘yung BSA sa college application form mo. Ito siguro ‘yung mga taong enlightened noong mga oras ng pagdedesisyon nila at kinausap sila ni Luca Pacioli para sabihing destined silang mag-BSA.

Buti pa sila, at least may sagot sa tanong na BAKIT. Samantalang ako, patuloy pa rin sa paghahanap ng dahilan. Hahaha. Feels.

Pero may sagot talaga akong sa akin.

Wala akong rason kung bakit.

          Huh? Whut? Oo, wala akong dahilan. Ganoon daw di ba? Wala kang rason basta alam mo na lang minamahal mo na pala. Banat accountant! Hooo! Parang true love, hindi mo alam kung paano, bakit at kailan. Basta alam mo na lang..na kahit pa dugo ang puhunan at tulog ang isasakripisyo, sige lang kasi sya(ito) ‘yung gusto mo. Mahal ko kasi kaya wala akong rason kung bakit. True love ang accounting! ♥

Ikaw, anong sagot mo sa bakit? 

 :))

Hashtag:Accountancy ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon