Chapter 1

70 4 0
                                    

"Monay! May fafabels sa may bandang three o'clock, blue board shorts." Lumingon kami ni Julz sa lalaking tinutukoy ni Kikay. Pinanood namin siya maglakad sa di kalayuan papunta sa isang malaking beach umbrella na may nakalatag na towel. Mukhang kakaahon lang galing sa beach.

"In fairness, malayo palang mukang pogi na, matangkad naman, medyo moreno, toned ang katawan at mukha namang mabango." pagpuna ni Julz sa lalaki.

Kikay and Julz are my childhood bestfriends. Mula preschool hanggang highschool magkakasama kami, nagkahiwa-hiwalay lang noong nagcollege na kasi iba-iba kami ng course na kinuha.

"Lalapitan ko na ba o masid masid muna?" tanong ko.

"Go ka na girly! Kanina pa nakabilad sa araw ang beauty kez! Juskey! Mahal ang glutha!" reklamo ni Kikay.

Tumayo na ko para lapitan 'yung lalaki pero nangangalahati palang ako sa paglalakad palapit kay Mr. Blue-board-shorts nang may lumapit na isa pang lalaki sa kanya. Nakow! Isa nanamang gwapo, tiba-tiba tayo neto.

Noong una, nagyakapan lang saglit yung dalawang lalaki. Wow! Matagal siguro 'di nagkita ang magfrienship. Pero pagkatapos ng yakap, may kasunod na halik. Nyak!

Tinalikuran ko na ang nagtutukaang lovebirds at nagsimulang magmartsa pabalik sa pwesto namin. Naglalakad palang ako ay naririnig ko na ang malakas na tawanan ni Julz at Kikay. Nang nakalapit ako ay napasalampak nalang ako sa buhangin. "Buti nalang di ko nalapitan, basag sana ganda ko kay kuya. Juskey! Kalahi mo pala 'yun Kikay eh!" at napalakas pa lalo ang tawanan nila, nakijoin na din ako. Hirap na nga makahanap ng prospect nabawasan nanaman ng dalawa. Naman!

Buti pa si kuya may kakissing scene samantalang mga labi ko tigang na tigang pa rin. Imbyerna!

Lagi kami sa beach ng mga kaibigan ko. Sabi ni Kikay dito daw madaming fafa. Napagkatuwaan namin magboy hunting tuwing nandito kami Napaghahalata bang single kami? Well, sa aming tatlo, ako ang pinakadesperadang makahanap ng boylet, masakit man aminin pero NBSB ang inyong lingkod. "Jusko! Wala na bang matinong lalaki sa mundo? Gusto ko na magkaboyfriend! Ubos na ba ang mga lalaki o 'di pa pinapanganak ang lalaking meant for my beauty? Baka mag-expire na ang ganda ko wala pa din nakakatikim sa 'kin. Ang laki ko naman pong sayang, ghad!"

"Lakas ng loob mo magreklamo Monay eh ikaw nga 'tong choosy. Mauubos na ang nirereto sa'yo ng nanay mo dahil sa kaartehan mo noh! Inggrata ka!" pambubulyaw ni Julz.

May pagkaboyish gumalaw si Julz, maputi, chinita, mejo petite. Pero pag yan ang tumalak, taob ka. Nagkaboyfriend na siya minsan noong first year college kami kaso nauwi rin sa hiwalayan after two months kasi daw di sila 'swak ng trip', after noon, di na nasundan.

"Korek ka jan girl!" pagsang-ayon naman ni Kikay. "Ang OA ng pagkachoosy mo teh! Kesyo masyadong maputi, masyadong matangkad, masyadong mabango. Jusko! Pati nga yata size ng ngipin sinusukat mo! Kalerkey! Ano ba talaga hanap mo 'teh? Drawing o fictional character?"

"Hoy! Francisco Villacorte Jr., wag na wag mo 'kong gaganyanin bakla ka kung ayaw mong mabugbog ka ng tatay mo pag nalaman n'yang mas malantod ka pa sa ate mo!" bwelta ko kay Kikay.  Unico hijo siya, aba't junior pa, pero hindi alam ng mga kapamilya niya ang totoong kulay ng dugo niya. Buti pa si Kikay, umaariba ang love life ng gaga! May boyfriend!

Ang laking sayang ni Kikay. MalaLogan Lerman ang kagwapuhan, kalahating Spanish kasi 'yung nanay niya. Sinubukan namin ni Julz na gawing straight yan, kaso kahit ano yatang gawin namin, mas makembot pa rin siya maglakad kesa sa 'min.

Lovestory ni MonayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon